Saan nagsimulang magbago ang lahat
Kailan nung ako'y 'di na naging sapat
Ba't di mo sinabi nung una pa lang
Ako ang kailangan pero 'di ang mahal
Saan nag kulang ang aking pagmamahal
Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang
Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na
Ako ang kasama pero hanap mo siya
At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sakanya
'Wag kang paluhain
At alagaan ka niya
Salamat sa bawat saglit na ako ay nakangiti
Salamat dahil nakayakap ka sa aking pag hikbi
Salamat naging aral ka sa bawat pighati
Balang araw gagaling mga pusong laging hati
Nasa sakit nga hapdi mga sigawan at pati
Mga sakitan at sumbatan ang ipilit ay mali
Dahil sa ang iniibig mo'y hindi na nga ako
Kahangalan natanungin ang ipipilit pa ba to
Ito ako titigan mo habang sakit dinadama
Pano ka ilalaban pa kung sa kanya ka masaya
Handa na kapitan ang hiling mo na bitawan ka
Dahil ang kaligayahan mo ay ang iwanan ka
Kaya heto paalam na pinapalaya na kita
Dahil gusto ko lang naman ay maligaya ka di ba
Hahayaan na kita para matapos na nga to
Sige yakapin mo na sya ayos lang ako
Ay kung masaya ka sa piling nya
Hindi ko na pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sakanya
'Wag kang paluhain at alagaan ka niya
Ay kung masaya ka sa piling nya
Hindi ko na pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sakanya
'Wag kang paluhain at alagaan ka niya