Di maamin
Ng damdamin
Na ngayo'y wala ka na sa aking piling
Araw- araw
Ang dalangin
Ay mayakap kang muli at maangkin
Ngunit pa'no nga ba ang pag- ibig mo'y magbabalik
Batid ko na nasaktan kita ng labis
At sinabi ko sayo
Na kaya kong limutin ka
Bakit ngayo'y hinahanap kita
Ikaw pa rin ang nais ko
Damang- dama ng puso ko
Mahirap na dayain ang
Isip at damdamin
Ikaw pa rin ang hanap ko
Mapapatawad ba ako
Muli't muling sasambitin
Sinisigaw ng damdamin
Mahal pa rin kita oh giliw ko
Batid ko naman
May nagawa kong kasalanan
Kung ba't napalayo ka
Alam ko naman
Nasaktan ka ng labis
Ako'y kinamuhian mo na
Sana naman
Patawarin mo ko
Sa kamalian ko na nagawa
Hindi ko na isip ika'y ipaglaban
Ika'y binitawan anong napala
Edi nawala
Aking pinangarap sayo lang nahanap kasalan ko
Kung bakit lumisan sa'king nilakaran
Wala na yung tao na katuwang ko
Yung tao na nagpakita sakin at nagparamdam
Ng tunay na pagmamahal
Ay sya pang dinurog ko at pinaasa ko
At sa pag- ibig nagpakahangal
Sorry mahal
Lahat ng yun pinagdurusahan
At pinagsisisihan ko na
Kung may pagkakataon man ay hindi na sasayangin
Mahal aayusin ko na
Sana ay pagbigyan mo muli
Sana hindi pa ito ang huli
Itutuwid ko lahat ng mali
Maghinhintay ako hindi man madali
Di naman ako nagmamadali
Basta ba bumalik ka sakin oh giliw
Pangako pagmamahal saiyo mananatili na
Hindi na magmamaliw
Mahal na mahal na mahal kita
Sana ganun din ang nadarama
Di na luluha ang mga mata kung kaya ako
Ay patawarin mo na
Ngunit pa'no nga ba ang pag- ibig mo'y magbabalik
Batid ko na nasaktan kita ng labis
At sinabi ko sayo
Na kaya kong limutin ka
Bakit ngayo'y hinahanap kita
Ikaw pa rin ang nais ko
Damang- dama ng puso ko
Mahirap na dayain ang
Isip at damdamin
Ikaw pa rin ang hanap ko
Mapapatawad ba ako
Muli't muling sasambitin
Sinisigaw ng damdamin
Mahal pa rin kita oh giliw ko
Ikaw pa rin ang nais ko
Damang- dama ng puso ko
Mahirap na dayain ang
Isip at damdamin
Ikaw pa rin ang hanap ko
Mapapatawad ba ako
Muli't muling sasambitin
Sinisigaw ng damdamin
Mahal pa rin kita oh giliw ko