Gulong- gulo
Ang aking isipan
Bakit di pa rin makayanan na
Titigan ka
Hayaan ka
Na makita
Na kasama mo s'ya
Kahit ilang beses pang sabihin na
Isipin na
Hindi na kita kailangan
Kahit lukohin pa
Pigilan pa
Ay di madaya ang nararamdaman
Litong- lito
Bakit pa kasi kita hinayaan
Kung alam ko lang
Ika'y ipinaglaban ko
Sinayang ko
Ngayon tuloy ako ay nanghihinayang
Ngayon alam ko na
Ang tunay mo na halaga
Ito ay mali ko
Ito ba'ng sukli mo
Paano pa ba mababawi ka
Mga litrato na lamang ang natirang ala- ala
Aking kasama ay nawala na
Wala nang gana kaya sumama dun lumigaya
Isang umaga sa pagkamulat ng mga mata
Bakit ang di ko inaasahan
Nabalitaan kayo na
Mundo ko'y halos tumigil
Diko alam
Na ang lahat ng sa'tin
Ito na ang katapusan
Binuksan mo ang puso ko
Ngunit ikaw rin
Ang siyang na nagsara nito
Woohhh
Paano ko ba itutuloy
Ngayong wala ka na
At may iba ka na
Ngayong masaya ka
Sa piling niya
Kaya wala akong magagawa
Kung hindi umasa
Merong kunting pagtingin na
Manggaling pa sayo
Kahit alam ko na
Hindi mo na ako mahal
Mahal pa kita
Hindi maalis sa isip ko
Nandito pa rin sa puso ko
Bakit parang hindi nagbago ang
Pagtingin ko sa'yo
Hanggang ngayon ikaw pa rin
Ang tanging hiling
Paano ko basasabihin
Na ikaw pa rin
At diko magawa na alisin ka
Diko magawang aminin sa kaniya
Na hanggang ngayon
Ay tanging ala- ala mo parin
Bakit di ka malimutan
Laging iniisip ko
Kung ano ang pagkukulang ko
Lahat naman natutunan ko
Nubg kapiling ko
Yung tinuturing ko na mundo
Pero bakit ka nag- iba
Para bang walang karapatan
Di ko na rin ba pwede na alamin
Kung ano ang gagawin
At kung sino ang kalaguyo
Parang lumalabo
Dati mo na pagtingin
Di na nga pala tayong dalawa
Bakit pa ba nag- aalala
Kung alam ko na
Kayo ay masaya
Sasanayin ko na lamang na mag- isa
Pero miss na miss ko na
Yung dating tayo't miss na miss kita
Di man ako makalapit
Pero gusto ko sayong iparating
Na mahal pa rin kita
Kung alam mo lang
Kung gano kasakit ikaw ay ipagpalit
Pero di mo kasi naranasan
Kaya kahit na isa sa iyong mga mata
Tila wala talaga akong pinunasan
Pano tatakasan
Kung lagi ka na sumasagi
Tanggap ko naman
Na meron ng kahati
Pero sa ngayon
Gusto ko lamang manfyare sa kanya
Ay tuluyan kitang mabawi
Pero kahit kayo na
At kung pwede lang ibalik
Nung panahong ikaw ay nakilala ko
Diko sana hinayaan
Na ikaw ay manlamig
Sana maging masaya kayo sa bago mo
Kahit kayo na
Mahal pa kita
Hindi maalis sa isip ko
Nandito pa rin sa puso ko
Bakit parang hindi nagbago ang
Pagtingin ko sa'yo
Hanggang ngayon ikaw pa rin
Kahit kayo na
Mahal pa kita
Hindi maalis sa isip ko
Nandito pa rin sa puso ko
Bakit parang hindi nagbago ang
Pagtingin ko sa'yo
Hanggang ngayon ikaw pa rin
Ang tanging hiling