Lagi nalang tayong nag aaway
Dahil sa kakaselos mo
Walang palya matik kada araw
Siguro yan na ang bisyo mo
Bakit ka ba lagi na nakasimangot
Ano na naman ang nasa isip mo
May dumaan na pogi tumingin lang konti
Salubong na naman ang kilay mo
Ano ba naman bakit ka ganyan
Tinamaan na naman ako ng topak mo
Makikipag biruan pag sinakyan ko naman
Ikaw pa ang pikon lakas ng toyo mo
Pero kahit na ganyan ka diko naisip pagpalit ka ha
Sa buhay ko ikaw lang ang nag iisa oh aking sinta
Selos na naman talaga ngang pambihira
Bakit ba lagi nalang sakin naghihinala
Ilan beses ko bang sasabihin sa iyo
Ikaw lang ang mahal tinatak nasa isip ko
Kahit na anuman mangyari mahal ikaw parin
Ipanatag mo na ang isip hinala'y tanggalin
Pagkat mahal na mahal kita
Bakit panay ka ba selos bakit panay ka hinala
Di ka paba kuntentong sayo ko tinapos aking pagka binata
Naku naman yan naman mahabang usapan na naman 'to
Puro bintang na kesyo daw hindi lang daw sya ang mahal ko
Grabe nato diko alam kung paano kita pakakalmahin
Telepono ko at ang F B ko kinaadikan mong kalkalin
Mga reply at mga tawag at mga oras ng aking text
Dimo ring pinalagpas mga dating mensahe ng aking mga naging ex
Tindi mo bes pati ba yan dahilan ng matinding pagseselos mo
Pero kailangan ko 'tong tiisin dahil ikaw ang aking ginusto
Kaya sige lang ungkatin mo kaya ko pa naman magtimpi
Pagselosan mo na din yung first crush ko ng elementary
Sige adikin mo mawili ka dyan sino bang mahihirapan
Lahat ng mga mapatingin sakin sige lang iyong irapan
Alam mo yan wag mong isiping ugali mo ay hindi ko maabot
Mahal na mahal mo lamang ako kaya gusto mo ako ipagdamot
Selos na naman talaga ngang pambihira
Bakit ba lagi nalang sakin naghihinala
Ilan beses ko bang sasabihin sa iyo
Ikaw lang ang mahal tinatak nasa isip ko
Kahit na anuman mangyari mahal ikaw parin
Ipanatag mo na ang isip hinala'y tanggalin
Pagkat mahal na mahal kita
Selos na naman talaga ngang pambihira
Bakit ba lagi nalang sakin naghihinala
Ilan beses ko bang sasabihin sa iyo
Ikaw lang ang mahal tinatak nasa isip ko
Kahit na anuman mangyari mahal ikaw parin
Ipanatag mo na ang isip hinala'y tanggalin
Pagkat mahal na mahal kita
Ohh pagkat mahal na mahal kita