menu-iconlogo
logo

Upakan

logo
Lyrics
Akala ko ba ako ang mahal mo?

at ako lang ang syang buhay mo?

at di mo ako maipagpapalit sa iba?

Ngunit bakit ngayo'y bigla kang nagbago,

iba na ang mga kilos mo?

pati ang pananamit mo ay nagiiba na.

Oh talagang nagbago ka na.

at ikaw ay nagsasawa na.

siguro ay mayroon ka nang mahal na iba..

Talagang di na kita maipagpapalit

pagkat walang tatanggap sayo,

kumbaga sa alahas,

ikaw ay puwit ng baso.

Aking pananamit talagang nagbago

pagkat marami akong bago,

At maraming kong nasungkit

na mga damit kagabi.

Oh talagang may bago na ko

at ikaw ay ayaw ko na

pagkat pag tayo'y

magkasama'y mas pogi ka

Walang hiya ka talagang hudas ka

Wala kang utang na loob

Matapos mong huthutin ako ay iiwan mo.

At ano naman mga nahuthut ko

kundi lahat ng baho mo

kung kya lang ako nakasal

nilasing mo ako

Oh wag na tayong magtalo

at lalo lang nagugulo,

at para matapos na magsaksakan na tayo

Eto iyo..

Aray ko!

Eto naman ang iyo..

Aray ko rin! Eto pa uli, ang isa..

Eto'ng pangalawa..

Aba nakikiliti ka ha.. Eto pa uli!