SA MUNDONG WALANG TAYO
SPOKEN WORDS POETRY
EDITED BY: YZABELLA OF MJ FAM
Nakilala kita sa panahong
Ako'y sobrang wasak at ang puso'y ko'y nagdurugo pa
Di ko naman intensyon na ako'y mapalapit sayo nung una
Pero bakit ngayon sa isip ko'y palagi kitang nakikita
Ngunit sa di inaasahan ako'y humantong sa ganito
Alam kong walang tayo
Pero sa anim na buwan na ika'y nakakausap ko
Ako'y napalapit na at di na maiwasang mahulog sayo
Sinubukan kong iwasan
Sinubukan kong pigilan
Ngunit sa di maipaliwanag na dahilan
Ako'y nahulog ng tuluyan
Hinahanap ko na ang presensya mo
Hinahanap ko na mga chats mo
Inaasam-asam ko na marinig ang boses mo
Sa madaling salita tuluyan ka nang nakapasok sa mundo ko
Nasasaktan ako kapag wala sa akin ang atensyon mo
Gusto kong magtampo, gusto kong manumbat sayo
Kaso naalala ko WALA PALANG TAYO
Ngunit kailangan ko ng tigilan to
Kailangan ko ng tapusin ang nararamdaman ko na to
Kasi ang hirap ng salitang baka sakaling maging tayo sa mundong di sigurado
Masakit OO sobrang sakit
Ang sakit bitawan ang mga salitang TAMA NA! AYOKO NA! itigil muna ang kahibangan mo na to
Kasi alam ko naman sa sarili ko na di ko talaga kaya to
Kung alam mo lang kung gaano ako nahihirapan sa mga sandaling ito
Pero kinakaya ko kasi feel ko na masyado na akong INLOVE sayo
At kung ipagpapatuloy ko pa tong kahibangan ko sayo
Masasaktan lang ako ng todo
At ngayon kailangan kong unti-unti tanggapin ang katotohanan na tayo'y hanggang magkaibigan lamang
Mahirap pero mas pipiliin ko naman na maging magtropa na lang tayo kesa naman tuluyan kang mawala sa buhay ko
Ang sakit para akong dinudurog ng todo
May side pa din sa akin na umaasa na sana ako na lang ang mahal mo
Na sana ako na lang ang gf mo
Pero parang malabo na ang lahat kasi alam ko naman kung gaano mo kamahal ang jowa mo
Pero ito lang ang gusto kong sabihin sayo
Salamat sa pagkakataon na hinayaan mo akong maging parte ng buhay mo
Salamat sa panahon na iyon dahil napapasaya mo ako ng ganito
Alam kong di magiging tayo pero gusto kong malaman mo na ikaw para sa akin ang pinakafovorite person ng buhay ko.