Hindi ko na sana pinagmasdan ang iyong ganda 
At hindi na rin pinansin pa bawat ngiti mong may gayuma 
Dahil sa akala ko hindi ako iibig sa 'yo 
Ikaw pala ang aakit sa puso ko 
Kaya ngayo'y laging gulong- gulo ang puso ko't isipan 
Araw- gabi ay pangarap ka at sa tuwina'y nababalisa 
Dahil ba ang puso ko'y labis na umibig sa 'yo 
Hanggang kailan matitiis ilihim ang pag- ibig ko 
Ano ang gagawin sa utos ng damdamin 
Para bang hangin na kay hirap pigilin 
Sana'y unawain ang pusong sa 'yo'y baliw 
Nais kong malaman mo na iniibig kita 
Hindi ko na sana pinagmasdan ang iyong ganda 
At hindi na rin pinansin pa bawat ngiti mong may gayuma 
Dahil sa akala ko hindi ako iibig sa 'yo 
Ikaw pala ang aakit sa puso ko 
Ano ang gagawin sa utos ng damdamin 
Para bang hangin ihirap pigilin 
Sana'y unawain ang pusong sa 'yo'y baliw 
Nais kong malaman mo na iniibig kita 
Nais kong malaman mo na iniibig kita