menu-iconlogo
huatong
huatong
vash-sagot---repablikan-cover-image

Sagot - repablikan

Vashhuatong
¸„.-•~¹°”ˆ˜¨𝐯ᵅₛ𝒽¨˜ˆhuatong
Lyrics
Recordings
Ikaw ang sagot sa aking pagluha

At ikaw ang tanging nagbigay

Ng ligaya sa buhay pag ibig mo'y tunay

Ikaw lang ang aking mahal, ikaw ang sagot

Akala ko'y wala ng lunas ang sinugat ng kahapon

At saking pagkadapa ay hindi na makakabangon

Ngunit tila nagkaroon ng pag asa't panibagong bukas

Ng ikaw ay dumating sa buhay ko ay nagwakas

Ang mga poot na naranasan, at sakit na nadarama

Nalimot ko lahat ng yan buhat ng makilala ka

Pinalitan mo ng ligaya nadarama kong pighati

Ikaw ang nagbukas ng puso, upang magmahal muli

Naramdaman ko sa iyo ang tunay na pagmamahal

Ang tunay na pag ibig na hinanap ko ng kay tagal

Mga dalangin ko mahal ikaw ang tanging sumagot

Sa puso ko na sugatan ikaw ang nagsilbing gamot

Upang limutin ang kahapon at muling magsimula

Pag ibig ko sayo mahal, kaylan may di mawawala

Ako ay para sa iyo at ikaw ay para sakin

Sana ay di na magbago ang pag ibig mo sa akin

Ikaw ang sagot sa aking pagluha

At ikaw ang tanging nagbigay

Ng ligaya sa buhay pag ibig mo'y tunay

Ikaw lang ang aking mahal, ikaw ang sagot

Sa ilang taong pagluha ng mata

Na nakuha sa mga pagdurusang nadama

Nang iniwang mag isa ng tangi kong minamahal

Naisipan ko na nga magtali't magpatiwal

Ngunit may bukas pa pala na sakin nag-aabang

Na syang magbibigay tamis sa pag-ibig na kay tabang

Ikaw ang nagsilbing daan upang mahanap ang sagot

Sa puso kong nagdurugo ikaw ang nagsilbing gamot

Upang maghilom ang mga sugat na dulot ng nakalipas

Landas ko muntik mahulog sa masama ikaw ang nag-iwas

At ang nagpadama sa akin ng wagas na pagsinta

Yun ay ikaw at yan ang dahilan ng aking mga kanta

Sapagkat ang iyong ganda ang tanging nagbibigay ng linaw

Sa aking mga tanong na kung sisikat pa ang araw

Para sa akin at magigising akong mayroong kayakap

Ang pag ibig na tapat lahat ng yan sayo nahanap

Ikaw ang sagot sa aking pagluha

At ikaw ang tanging nagbigay

Ng ligaya sa buhay pag ibig mo'y tunay

Ikaw lang ang aking mahal, ikaw ang sagot

Magmula ng maranasan kong lokohin at iwanan

Ng isang babaeng na tanging inibig ng lubusan

Tila ba ayaw ko ng gumising pa kinabukasan

Upang tuluyan ng matapos ang buhay ng kabiguan

Ngunit di ko inasahan ng biglaang nasilayan

Ang taglay mong kagandahan nagsilbi na kasagutan

Upang limutin at dukutin at tuluyan ng itapon

Ang sakit na sugat na iniwan sakin ng kahapon

At salamat at ikaw ang nagsilbing kaliwanagan

Magmula ng hagkan mo ang puso ko't itoy alayan

Ng tunay na pag-ibig na kay tagal ko ng pangarap

At ikaw ang tumupad at nagbigay ng mga yakap

Na akala ko noon malabo ko na ngang mahanap

Ang isang katulad mo na tutupad saking pangarap

At ngayong kapiling ka di na muli akong luluha

Dahil ikaw naging sagot upang muli akong lumigaya

Ikaw ang sagot sa panalangin ko nong una pa

Isang katuparan ng pangarap ngayong kasama na kita

Malaking hinanala kung maituturing pagdating mo saking buhay

Pinaning-ning mo ang mga tala sa mata kong dating mapungay

Na noon ay nangangarap lang sa ganitong pag ibig

Sa piling ng dati kong mahal na sa iba lage nakatitig

Ng marinig ko ang yong tinig biglang nagbago ang lahat

Ang pagkatao kong hindi na maahon ikaw ang nag-angat

At lahat ng mga nadarama ko noon di na naulit

Dahil minahal mo ang katulad ko na di mo pinilit

Ang sarili mo sa akin kahit alam mong di matino

Ibinigay mo ang lahat ng kaya upang di mabigo

Di na mahinto ang mga ligaya pag magkasama tayo

Higit pa sa kung anong saya pag nasa kama tayo shhhhhh

Tunay kang angel sa lupa na gumabay sa paglakbay

Ikaw pala ang syang sagot upang akoy magtagumpay

Pagkat ikaw ang sagot, saking pusong lumuluha

Ikaw ang syang nagbigay sa akin, ng tunay na pagsinta

Pagkat ikaw ang sagot, at ikaw lang ang syang nagpatunay

Na sakin may bukas pa, upang ikaw naman ang makasama

Ikaw ang sagot sa aking pagluha

At ikaw ang tanging nagbigay

Ng ligaya sa buhay pag ibig mo'y tunay

Ikaw lang ang aking mahal

Ikaw ang sagot sa aking pagluha

At ikaw ang tanging nagbigay

Ng ligaya sa buhay pag ibig mo'y tunay

Ikaw lang ang aking mahal, ikaw ang sagot

More From Vash

See alllogo

You May Like