Lumapit ka mahal
Wag isiping ikaw ay iiwanan
Kahit ano pa ang gawin ng mundo sa yo
Andito lang ako
Lumubog man ang barko andito lang ako
Kung magunaw ang mundo ay tatabi sa yo
Hahawakan ang yong mga kamay
Hayaan mong ako ang yong maging gabay
Sa pag-ikot ng gulong
Naghahanap ka ba ng taong sasabay
Sa byahe ng buhay
Kung ganun ay wag nang mangamba
Hindi ka na mag-iisa aking mahal
Ako na ang bahala matulog sumandal
Kumapit ka mahal
Maglalakbay sa malubak na daanan
Masira man ang makina at tayoy mahinto
Andito lang ako
Wag matarantat matakot andito lang ako
Susubukang ayusin to para lang sa yo
At kung sakaling hindi makasakay
Maglalakad tayong dalwang magkasabay
Sa bawat tapak ng paa
Mabagal man bastat alam mong
Sumasabay ka sa byahe ng buhay
Mapagod man ikay magpahinga
Sa pagpasan akoy handa aking mahal
Ako na ang bahala matulog sumandal
Matulog sumandal
Matulog sumandal
Ako na ang bahala
Sa pag-ikot ng mundo
Sasamahan ka patungo
Sa walang hanggan