Sigurado na ako
Na ikaw lang ang gustong
Makasama habang buhay
'wag matakot ito'y tunay
Sana'y maibigan mo
Itong kantang nasulat ko
Dala mong saya ay tunay
Salamat sa hatid mong kulay
Oh hoh hoh mahal... kita
Handa kong isigaw sa mundo
Na mahal kita langga
Oh hoh hoh ikaw.. lang talaga
Handa kong patunayan sa iyo
Na ikaw lang talaga
Kaya 'wag nang magtaka,
Nakita mo ba ang 'yong ganda
Mga mata mo na mapungay,
Ngiting nakakahimatay
Oh oh oh
Handa kong ibigay sa 'yo
Ang balat ng manok
Sa 'yo na ang lahat ng unan '
Pag ako ay tulog
Walang maalat na pagkain
'pag ikaw ang tinoyo
Ga, tama ka lahat pramis
Oh hoh hoh mahal kita
Handa kong isigaw sa mundo
Na mahal kita langga
Oh hoh hoh ikaw.. lang talaga
Handa kong patunayan sa iyo
Na ikaw lang talaga
Oh hoh hoh mahal kita
Handa kong isigaw sa mundo
Na mahal kita langga
Oh hoh hoh ikaw.. lang talaga
Handa kong patunayan sa iyo
Na ikaw lang talaga langga