Ikaw ang tanging rason
Sa maliwanag kong kalangitan
Walang kahit konting ambon
'Pag magkasama tayong dalawa
Sa 'yo lang nakatuon
Diretso lang ang tingin
Sa 'yong mata
Wala nang atrasan ngayon
Hayaan mong pagsilbihan kita
Hindi masukat ang aking saya
'Wag ka nang mawala
Araw gabing nakangiti
Dahil sa 'yo
Dahil sa 'yo
Pagkagising sa umaga
Ikaw agad ang naiisip ko
Sa tanghali sa pagkain
Ikaw ang gustong kaharap
Pati pagtulog sa gabi
Hanggang sa panaginip
Tila imahinasyon lahat
Ng nangyari sa 'ting dalawa
Parang nasa telebisyon
Ako ang prinsipeng
Sasagip sa 'yo sinta
Ikaw at ako laban
Sa buong mundo
Kahit sino pa kayo
Tadhana na ang
Mismong nagsalita
Na 'di ka na mawawala
Araw gabing nakangiti dahil
Sa 'yo dahil sa 'yo
Pagkagising sa umaga ikaw
Agad ang naiisip ko
Sa tanghali sa pagkain
Ikaw ang gustong kaharap
Pati pagtulog sa gabi
Hanggang sa panaginip
Parang Adan at Eba
Parang Florante at Laura
Parang si Jack at si
Rose 'pag sa pintuan nagkasya
Parang si Popoy at Basha
Parang si Shrek at si Fiona
Parang si Mario't
Prinsesa na sasagipin ka
Araw gabing nakangiti dahil sa 'yo
Magmukha man akong baliw
Basta alam kong masaya ako
Araw gabing nakangiti dahil
Sa 'yo dahil sa 'yo
Pagkagising sa umaga ikaw
Agad ang naiisip ko
Sa tanghali sa pagkain
Ikaw ang gustong kaharap
Pati pagtulog sa gabi
Hanggang sa panaginip