Pag ibig natin ay parang puto't dinuguan
Tunay na magkabagay kailanman
Parang mangga at bagoong
Suka at chicharon
Tayo'y ganyan noon hanggang ngayon
Pag ibig natin ay kasingtamis ng panutsa
Araw gabi laging magkasama
Parang gulaman at sago
Coke at tsaka bananacue
Ganyan ang pag ibig para sayo
Pagka't ikaw, ikaw, ikaw ang number one
Ikaw palagi magpakailanman
Pagka't ikaw, ikaw, ikaw ang number one
Pag ibig ko sayo'y walang hanggan
Sayo'y ipapangako na hindi ka iiwan
Kahit pa may bagyo at may ulan
Ako'y gawin mong kumot
Ikaw ang aking unan
Pagsasaluhan ang pagmamahal
Pagka't ikaw, ikaw, ikaw ang number one
Ikaw palagi magpakailanman
Pagka't ikaw, ikaw, ikaw ang number one
Pag ibig ko sayo'y walang hanggan
Pagka't ikaw, ikaw, ikaw ang number one
Ikaw palagi magpakailanman
Pagka't ikaw, ikaw, ikaw ang number one
Pag ibig ko sayo'y walang hanggan
Sa puso ko ikaw ang number one