menu-iconlogo
huatong
huatong
lil-jay-inspirasyon-cover-image

Inspirasyon

\"Lil Jay\huatong
reidisraelhuatong
Letras
Grabaciones
Hi, kumusta ka na?

Hindi ko alam kung pa'no ko sasabihin sa 'yo ang nararamdaman ko

Ang hirap pala ng ganito, minsan, 'di ako mapakali

Hirap din ako makatulog, siguro, dahil sa kakaisip sa 'yo

Sa eskwela, kung saan ay natutunan kong mangarap

At baon ang lakas ng loob na may halong pagsusumikap

Upang aking madugtungan ang lahat ng mga nasimulan

Na hangarin ng aking magulang at nang sa gano'n ay masuklian

At aking pipilitin na 'wag silang bigyan ng mga problema

Aakyat ng entablado't tangan-tangan ang diploma

Lahat ng ito'y kakayanin, na may kasamang dedikasyon

At sa nag-iisang babaeng nagbibigay ng inspirasyon

Na siyang dahilan, kung bakit iba ang sayang aking nadarama

Na siya ngang dahilan, kung bakit may ngiti sa 'king mga mata

Na sa kanya'y nakatuon at palagiang nakatitig

Ito na ba ang simula sa sinasabi nilang pag-ibig?

Ikaw ang dahilan kung bakit ako masaya

Dahil sa 'yo ay natutunan kong bigyang halaga

Ang lahat ng mga panahon at mga pangyayaring

Aking nadarama, kapag ikaw na ang kapiling ko

Ikaw na nga ang aking inspirasyon

Binigyan mo ng liwanag ang aking destinasyon

Kung sa'n, ang tulad mo'y matatagpuan

At ang ating mga damdamin ay nagsalubungan

Kaya, wala na nga 'kong hahanapin pa

Maligaya ako sa mga panahong laging kasama ka

Ikaw ang katuparan sa 'king panalangin

At nagsasabi na ikaw ang aking iibigin

At 'pag kasama kita ako'y masaya, ikaw at ako at wala nang iba

Ewan ko ba, ba't may halong kaba? Hayaan mo na, 'di 'yon mahalaga

Sapagkat, sa 'yo ko natagpuan ang lahat ng mga kahulugan

Ng tunay na pag-ibig at sa 'yo ko ito nararamdaman

Paano ko nga ba babanggitin? Paano ko nga ba sasambitin?

Alam ko na uuratin at 'yon ang una kong gagawin

Kukulitin, aasarin, gan'to lang ako 'pag nagpapapansin

Dadaldalin kahit pa iskwatin, ang mga ito ay kaya kong tiisin

'Wag nang magtampo, sorry na, please

'Wag nang magtaray at 'wag nang mainis

Usap na tayo, sige na, please

Dito ka lang at 'wag nang umalis

Anong gusto mo? Bibigay ko

Chocolate ba? Bibilhin ko

Anong gusto mo? Gagawin ko

'Yung duyan ba? Kakantahin ko

Ikaw ang dahilan kung bakit ako masaya

Dahil sa 'yo ay natutunan kong bigyang halaga

Ang lahat ng mga panahon at mga pangyayaring

Aking nadarama, kapag ikaw na ang kapiling ko

Ikaw na nga ang aking inspirasyon

Binigyan mo ng liwanag ang aking destinasyon

Kung sa'n, ang tulad mo'y matatagpuan

At ang ating mga damdamin ay nagsalubungan

Kaya, wala na nga 'kong hahanapin pa

Maligaya ako sa mga panahong laging kasama ka

Ikaw ang katuparan sa 'king panalangin

At nagsasabi na ikaw ang aking iibigin

Pero parang may mali, kaya dapat na lang itago

Dahil tayo'y bata pa at ang pag-ibig ay malabo

Ngunit, kahit na malayo't magbilang pa ng taon

Mag-aantay na lang ako sa tamang panahon

Na aminin ko, sabihin ko na mahal kita

At sa 'yo ay natutunan kong magpahalaga

Sa mga bagay na binigyan mo ng kabuluhan

Sana balang araw ay mayro'n itong kahantungan

Ikaw ang dahilan kung bakit ako masaya

Dahil sa 'yo ay natutunan kong bigyang halaga

Ang lahat ng mga panahon at mga pangyayaring (at mga pangyayari)

Aking nadarama, kapag ikaw na ang kapiling ko

Ikaw na nga ang aking inspirasyon

Binigyan mo ng liwanag ang aking destinasyon

Kung sa'n ang tulad mo'y matatagpuan (yeah)

At ang ating mga damdamin ay nagsalubungan

Kaya, wala na nga 'kong hahanapin pa

Maligaya ako sa mga panahong laging kasama ka

Ikaw ang katuparan sa 'king panalangin (ooh)

At nagsasabi na ikaw ang aking iibigin

'Di naman masamang magmahal, eh

Kaso lang, dapat sa tamang panahon at sa tamang pagkakataon

Pero ako, handa 'kong mag-antay

Sana gano'n ka din

Más De \"Lil Jay\

Ver todologo

Te Podría Gustar