‘Wag mo muna ‘kong gisingin managinip kang mag-isa
Dapat ‘di ka isa sa mga mainipin kung hindi ko ‘to kabisa
Malamang ay di ka makikinig saking mga sasabihin ngunit alam mo’ng puro ko
Lagpas ‘sang daang pursyento ‘to pusong sabik ay di na muling mabibitin
Sa pagkakataong ‘to mga mali ko’y ‘di ko na uulitin pakitaga yan sa bato
‘Wag kang matakot sumugal kung para sa pangarap
Ibuhos mo ang todo mo ‘wag kang mag papaawat
Walang ibang tutulong walang ibang yayakap kundi ang iyong sarili lang kaya gawin ang dapat
Subok lang ng subok hanggang sa maka isa bigay mo ang lahat wala namang mawawala
Tutukan ng maigi yan bago ang iba upang lahat ng mga nais mo ay mapasayo na
Wag kang mapagod mag isip wag ka mainip tuloy ka lang sa pag hakbang kahit matarik
Man ang daan at kahit medyo patagilid ang sitwasyon ‘wag mangamba dahil makakamit
Hindi na bale kung ika’y na sa may hulihan balang araw mangunguna basta gagalingan
Mabigat man mga hamon sayong nakadagan
Ay balewala kung iyo ‘tong papalagan (yeah yeah)
‘Wag mo muna ‘kong gisingin managinip kang mag-isa
Dapat ‘di ka isa sa mga mainipin kung hindi ko ‘to kabisa
Malamang ay di ka makikinig saking mga sasabihin ngunit alam mo’ng puro ko
Lagpas ‘sang daang pursyento ‘to pusong sabik ay di na muling mabibitin
Sa pagkakataong ‘to mga mali ko’y ‘di ko na uulitin pakitaga yan sa bato
Ugh alam nyo na kung sino ‘to dating batang naligaw at medyo nalito
Nalinawan lang din kaya ngayon ako’y narito tila buhay na patunay gumagana ang pangarap
Grabe nga lang yung dinanas ‘di tumigil gang mahanap
Buti na lang ‘di sumuko ‘di maagang bumigay
Yung kasama kong nagutom kasama nang dumighay
May naiwan may naglaho meron pa rin sumusubok
May patuloy tumutubodun sa tsamba tumutusok ‘d maawat ‘d masisi gusto lang kumawala
Yung pasanin sa balikat gusto ko lang mawala simpleng buhay na kalmado ‘di na nag-aalala
Kitang kita saking lente meron ng napapala yung iba natutuwa at may ibang natatawa
Yung iba walang bilib pa rin saking nagagawa pero ‘di na din pansin kase hanap ko pahinga
Walang bigat sa puso maalwan ang paghinga (ugh)
‘Wag mo muna ‘kong gisingin managinip kang mag-isa dapat ‘di ka isa sa mga mainipin
Kung hindi ko ‘to kabisa malamang ay di ka makikinig saking mga sasabihin
Ngunit alam mo’ng puro ko lagpas ‘sang daang pursyento ‘to
Pusong sabik ay di na muling mabibitin sa pagkakataong ‘to mga mali ko’y ‘di ko na uulitin
Pakitaga yan sa bato
Subukan mo na ngumiti muli kahit na napaka hapdi pa ng kahapon
Sige yakapin lang ng mahigpit yang unan mo pero pag tapos nyan dapat ika’y bumangon
Panibago ang atake at mga tali na dudugtong muli sayo sa pangarap na dinale (yeah)
Ng bulok na sitwasyon tutok lang bigyang aksyon
Suntok lang sa ambisyon ihanda mga rasyon woah
Wala ng ora-orasyon rekta ito sa puso at utak ng mga nakikinig
At patuloy na inaalay ang bawat sandali para sa pamilya naniwala’t bumilib
Ikaw mismo ang iyong swerte kaya ingatan palakasin pagibig ang iyong anting-anting
‘Wag ka mawalan ng panlasa’t pagasa problema’t corona puksain mo’t daigin
‘Wag mo muna ‘kong gisingin managinip kang mag-isa dapat ‘di ka isa sa mga mainipin
Kung hindi ko ‘to kabisa malamang ay di ka makikinig saking mga sasabihin
Ngunit alam mo’ng puro ko lagpas ‘sang daang pursyento ‘to
Pusong sabik ay di na muling mabibitin sa pagkakataong ‘to mga mali ko’y ‘di ko na uulitin
Pakitaga yan sa bato whoa
Yung mga bato ng ibinato nyo sakin ginawa ko lang kastilyo whoa
Mga mali ko’y ‘di na uulitin taga mo yan sa bato whoa
‘Di na ininda ang sugat na natamo alam mo ba kung bakit 'di ‘to kayang salubungin ng galit
Mga bumanga sakin alam mo na’ng sinapit taga mo yan sa bato oh
Yung mga batong ibinato nyo sakin ginawa ko lang kastilyo ‘to whoa
Mga mali ko’y ‘di na uulitin taga mo yan sa bato whoa
'Di na ininda ang sugat na natamo alam mo ba kung bakit
‘Di ‘to kayang salubungin ng galit mga bumanga sakin alam mo na’ng sinapit