SUNDALO BY: Father & Son
Aalis si itay, madedestino sa lugar na magulot, maraming away
Syay hahakbang papalayo, at lilingon lingon samin na mabigat ang kalooban
At lalapit ang nanay ko, magtatanong kong saan at kailan s'ya babalik sa amin
Lumuluha ang nanay ko, at yayapos sa kabiyak at magsasabing mag ingat ka
S'yay magpapayo sa amin, pakabait lang daw kami huwag pabaya, sa aming sarili
Isang mahigpit na yakap, mga halik saming pisngi bago siya, lumisan ng bahay
Lumipas ang mga araw, nag-iisip nagpupuyat naghihintay, ang aming nanay
Bigla nalang may dumating, isang mensahing madilim galing sa kampo ni tatay
Ang nakasaad sa sulat, huwag daw kami mabibigla pagkat pumanaw na ang tatay
Nakabaril daw sa kanya, isang rebelding sundalo kapwa nya rin Pilipino
O kailan na matatapos, mga problemat kaguluhan dito sa bansang Pilipinas
Sanay wala nang NPA, MNLF, RAM, CPP, mapagsamantalang tao sa gobyerno
Sana alitan kalimutan na, katutuhanay harapin, bigyang daan kapayapaan
....instrumental....

===== END =====
____mars____
D F S FAMILY