Sige pumasok ka sa loob ng aking utak utak utak ko
Sige bilisan mo pa hanggang
Sa madapa kasi ang kupad kupad mo
Takbo para 'di ka maabutan kinikilabutan kinatatakutan mo
Kapag nahuli ka patay kang bata ka na
Para bang nakunan sa sinapupunan uh
Isa dalawa tatlo kilala bilang mga sira ulo
Halatang inakala ng iba
Na 'di makapangyarihan ang mga ginayuma
Wasak ang mga talukap ng mga masangsang na alamang
At talangkang walang alam at halatang nagtatakang naghahatakan
Ng pababa ng pababa lang hanggan sa hangganan ng walang hanggan
Puro mga inggitero na bagot oo mga feelingerong nayamot
Pano niyo ko hihilahin sa balong malilim
E hin'di niyo nga ko maabot
Bratatatatatara
Bang o 'di ba nakakatakot
Pagkat 'di nyo matatakasan ang boses ng kabataan
Kapag sure hit na ang mga pasabog
Sino ba yan sinubaybayan at sinabayan nanaman ng buong sambayanan
Kahit gago makabago makatao at makatarungan eto na si abra tantananan
''di man katangkaran pero nakayanang umakyat sa pedistal at gumawa ng himala
Binatang makatang matinik na kakaiba talaga mag isip miski maliit
Ang dami paring mga tumitingala braaaa
Sige pumasok ka sa loob ng aking utak
Pwede mo itong ihalintulad sa isang higanting pintuang 'di mo maitulak
Tignan mo itsura 'di mo masikmura parang ginawa mo inumin ang suka
Wag kang umasa na mangyari magka chansa ka sakin
Kasi distansya natin
Bituwin at lupa
Libu libong sinagupa binaon parang basura pinipicturan ko muna
Bago ilibing sa lupa primitimong lirisismo pipilitin kong pihitin
Kung tingin mong kiliti mong imposible kong makuha pilipinong sining
At literaturang hinaluan ng mga bara na parang hiroglipiko masulat
Mga titik na inipon at sinukat ay nagiging ipo ipo
Pag hin'di ko naisuka
Pag ako nagalit
Papaupuin kita sa dala ko na karet
Ako si kamatayan bumaba mula sa langit
Alam mo ba kung bakit para sindihan ka nang buhay
Hanggang sa malapnos ang balat at makalbo ang anit
Pag parang kambing na yung amoy
Papatayin ko yung apoy palakol ang gamit
Sige pumasok ka pa sa loob ng aking utak
Hinulma ng usok puyat Kuya Kiko at ni 2pac
Susubukan kong unatin at sukatin sa talampakan
Upang makita nila lampas bente ang taas
Maaring makapasok kaso nga lang pag pintua'y nagsarado siguradong
''di na pwedeng lumabas
Sige pumasok ka sa loob ng aking utak
Para kang umakyat ng banahaw at naligaw sa gitna ng gubat
'Di mo maintindihan parang dikit dikit na sulat ng doktor
Mga kabit kabit na letrang parang tren pinanakbo pa rin
Kahit akala ng iba'y kinakalawang ang motor
Hawak ko'y tinidor na mula kay Poseidon at Shiva
Pag tinamaan nang lintek siguradong may baong matataas na along
Kayang lumamon ng isla
Salamat ginising mo ang pinakamatangkad sa limang daliri ko
Uso ata ang utak at uso pa bato panahong paleolitiko
Masdan mo ang sugat sa likod ng larawang
Ng mga multong 'di na nagparamdam
Dati'y binabahayan ng pula ngayon nama'y binabawi
Na ng mga itim na langgam
Naramdaman ang nagbabagang lupa mula sa bala ng shaman
Nagpatangay sa hangin hanggang sa mapadpad sa patag
Na dapat lakaran pag daan ko mga aso kumahol
Yung iba ay naglabas ng pala piko asarol
Sinubukan nilang hukayin ang lalim
Ngunit natagpuan lang nila ay ang kanilang
Sariling ataol
Tanggalin niyo na muna ang mga muta
Sa mata na nakabara hala sige maghilamos
Nang makita niyo na mga patay na isda lang
Ang sumasabay sa agos