Ikaw ang pinangarap, ikaw ang hanap hanap
Ngunit bakit nagbago ang lahat
Ang init ng pagmamahal parang naging salat
Pangako habang buhay, pangakong di magwawalay
Ngunit bat lumamig pagmamahal
Parang 'di na ikaw sa Maykapal ang dinasal
Anong nangyari sa ating dalawa
Akala ko noon tayo ay iisa
Ako ba ang siyang nagkulang, o ikaw ang 'di lumaban
Sa pagsubok sa ating pagmamahalan
Anong nangyari sa ating dalawa
Pagmamahal ngayo'y bakit naglaho na
Damdamin ay nasasaktan, puso'y nasusugatan
Pangako mong pagmamahal ngayon ay nasaan
Nasaan ang sumpaan, akala ko ay walang hanggan
Ngunit bakit ngayo'y nasasaktan
Hanggang dito na lang ba ang ating walang hanggan
Anong nangyari sa ating dalawa
Akala ko noon tayo ay iisa
Ako ba ang siyang nagkulang o ikaw and 'di lumaban
Sa pagsubok sa ating pagmamahalan
Anong nangyari sa ating dalawa
Pagmamahal ngayo'y bakit naglaho na
Damdamin ay nasasaktan, puso'y nasusugatan
Pangako mong pagmamahal, ngayon ay nasaan?
Anong nangyari?