Nakasimangot ka na lang palagi parang ikaw
Lang ang nagmamay ari ng lahat ng sama
Ng loob pagmumukha mo ay hindi maipinta
Nakalimutan mo na bang tumawa
Eh, sumasayad na ang nguso mo sa lupa
Kahit sino pa man ang may kagagawan ng iyong
Pagkabigo ay isipin na lang na ang buhay kung
Minsan ay nagbibiro nandirito kami, ang barkada
Mong tunay aawit sa 'yo sa lungkot at ligaya
Hirap at ginhawa kami'y kasama mo
Kung sa pag ibig may pinag awayan
Kung salapi ay huwag nang pag usapan
Tayo'y di nagbibilangan kung ang problema
Mo'y nagkatambakan at mga utang 'di na
Mabayaran lahat ng bagay ay nadadaan sa usapan
Kahit sino pa man ang may kagagawan
Ng iyong pagkabigo
Ay isipin na lang na ang buhay kung
Minsan ay nagbibiro
Nandirito kami, ang barkada mong tunay
Aawit sa 'yo
Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa
Kami'y kasama mo
Kung hahanapin ay kaligayahan
Maging malalim o may kababawan, sa iyo
Ay may nakalaan kami'y asahan at huwag
Kalimutan maging ito ay madalas o minsan
Pagkat iba na nga ang may pinagsamahan
Kahit sino pa man ang may kagagawan ng iyong
Pagkabigo ay isipin na lang na ang buhay kung
Minsan ay nagbibiro nandirito kami, ang barkada
Mong tunay aawit sa 'yo sa lungkot at ligaya
Hirap at ginhawa kami'y kasama mo
Kasama mo
Kasama mo
Kasama mo...