menu-iconlogo
huatong
huatong
benben-saranggola-cover-image

Saranggola

Ben&Benhuatong
rei__007huatong
Letras
Grabaciones
Saranggola'y lilipad sa kahel na kalangitan

Paalam na nga ba sa ating nakaraan?

Ngunit sa'n man tayo hipan ng amihan

'Di ipagpapalit ang pagkakaibigan

Kung aking uulitin, itong mahabang byahe

Sa kada yugto ng ating paglalakbay

Wala akong babaguhin, ni isang detalye

Sa dami ba naman ng sinuong magkasabay

Sa pagbadya ng kulimlim na tinadhana

'Di magmamaliw, ating mga gunita

Saranggola'y lilipad sa kahel na kalangitan

Paalam na nga ba sa ating nakaraan?

Ngunit, sa'n man tayo hipan ng amihan

'Di ipagpapalit ang pagkakaibigan

Lumang mga larawang

Nakaplasta sa mga dingding

May tamis at pait

Babalikan, tambayan na tindahan

Kwentuhang magdamagan

Nung bata pa't nangangarap lang

Sa pagkagat ng realidad ng buhay

Landas nati'y sadyang magkakahiwalay

Saranggola'y lilipad sa kahel na kalangitan

Paalam na nga ba sa ating nakaraan?

Ngunit, sa'n man tayo hipan ng amihan

'Di ipagpapalit ang pagkakaibigan

Sarado na ang kabanata ngunit ba't

Ayaw ko pang harapin ang katotohanang

Hindi na nga tugma ang pagtutunguhan

Sa'n man hipan ng hanging amihan

'Di ipagpapalit ang pagkakaibigan

Salamat sa'ting pinagsamahan

'Di ipagpapalit ang pagkakaibigan

('Di ipagpapalit ang pagkakaibigan)

Saranggola'y lilipad sa kahel na kalangitan

Paalam na nga ba sa ating nakaraan?

Ngunit, sa'n man tayo hipan ng amihan

'Di ipagpapalit ang pagkakaibigan

Saranggola'y lilipad sa kahel na kalangitan

Pangarap na lang ba ang ating walang hanggan?

Sa'n man tayo hipan ng amihan

'Di ipagpapalit ang pagkakaibigan

Saranggola (lilipad, lilipad na)

Saranggola (lilipad, lilipad na)

Kahel na ang kulay ng kalangitan

Saranggola (lilipad, lilipad na)

Más De Ben&Ben

Ver todologo

Te Podría Gustar