Angkin mo ang gandang nakakabighani
Katangiang nasa iyo'y, naiingit sila
Tulad mo ay isang bulaklak sa hardin
Handog ka ng langit at ako ay inakit.
Ngunit bakit ang iyong
Ganda'y panlabas lang
Bumubulag sa gaya kong umiibig sa'yo
Ikaw, pala ay rosas na walang bango
Tinik ay bumaon, puso ko’y sinugatan.
Sinayang mo o giliw ko
Mga handog ng diyos sa'yo
Pagkat ang puso'y mapaglaro
Nilimot ang pag ibig ko sa'yo.
Ngunit bakit ang iyong
Ganda'y panlabas lang
Bumulag sa gaya kong umiibig sa'yo
Ikaw, pala ay rosas na walang bango
Tinik ay bumaon, puso ko’y sinugatan.
Sinayang mo o giliw ko
Mga handog ng diyos sa'yo
Pagkat ang puso’y mapaglaro
Nilimot ang pag ibig ko sa'yo.
Sinayang mo o giliw ko
Mga handog ng diyos sa'yo
Pagkat ang puso mapaglaro
Nilimot ang pag ibig ko sa'yo.
Sinayang mo ang pag ibig ko sa'yo.
Sinayang mo ang pag ibig ko sa'yo.