Minsan mo lang ako niyakap
Ngunit sa dibdib ko'y wala nang hanap
Tamis at higpit ng 'yong tanging yakap
Mga puso natin ay nagkausap
Paano pa kita malilimutan
Sa isip ko'y di ka maiwasan
Habang may init pa ang haring araw
Ang init mo'y nasa 'kin pang katawan
Paano pa kita malilimutan
Sa isip ko'y di ka maiwasan
Habang may tinig pa akong naririnig
Damdamin ko'y bulong ng 'yong pag ibig
Minsan mo lang ako niyakap
Ngunit sa dibdib ko'y wala nang hanap
Tamis at higpit ng 'yong tanging yakap
Mga puso natin ay nagkausap
Habang may init pa ang haring araw
Ang init mo'y nasa 'kin pang katawan
Paano pa kita malilimutan
Sa isip ko'y di ka maiwasan
Habang may tinig pa akong naririnig
Damdamin ko'y bulong ng 'yong pag ibig
Paano ba kita malilimutan