menu-iconlogo
logo

Kung Ako

logo
Letras
Hindi mo ba napapansin?

Kanina pa 'ko sa 'yo nakatitig

Sa mga mata mong singkit

Napatulala ako at nabighani

Sa dami-dami puwede pang mapili

Ikaw lang talaga ang gustong makapiling

Kaya baby, huwag ka nang magsinungaling

Feel ko kasi, balang araw, sa 'kin ka aamin

Hanggang kailan kaya ako maghihintay sa 'yo?

Aminin mo kasi para lahat malaman ko

Kung sakaling maging tayo, lahat ay gagawin ko

Kaya huwag kang mag-alala, ako na ang bahala sa 'yo

Makakasigurado kang hindi ka talo

Kung ako man ang piliin mo

At 'di na ako aalis, pangako

Kung ako ang pipiliin mo

Yeah, baby, holla, holla, masyadong halata na

Matagal na kitang gusto makasama

Kapag naglalakad, ngiti agad

Ano ba 'yan? My God, napakagandang dilag

Kaya laging sinasabi ko sa 'yo

Balang araw ay mapapasa'kin ka

Sabihin man nila na malabo, 'di ako kabado

Alam ko na aamin ka

Inaantay ko lang ang araw na tayo nang dalawa

Alam ko na sasama ka, ayaw mo lang 'pahalata

Baby, ako ang para sa 'yo, ikaw ang akin

Alam ang kasagutan kahit ayaw mo umamin

Libre ang palasyo ko, puwede mo 'ko dalawin

Basta pagkatapos, titira ka na sa amin

Makakasigurado kang hindi ka talo

Kung ako man ang piliin mo

At 'di na ako aalis, pangako

Kung ako ang pipiliin mo

Dito ka lang tumingin, ako na lang kasi 'yung lingunin

'Di lang ako sa una magaling na magpapakilig

Tapos mawawala nang bigla, pupunta na sa iba

At 'pag nanawa ay parang 'di ka na kilala

Ilan na ba 'yung dumaan sa 'yong nanakit?

Pabayaan na kasi mayro'n ka nang pamalit

Nandito lang ako, hindi ako nagbibiro

Kasi alam ko rin 'yung pakiramdam masaktan at umuwing bigo

Sana naman ay 'di ka na magkamaling pumili

Kasi kapag nangyari 'yun, ikaw ay magsisisi

'Di kita pinipilit, ha? Huwag ka nang mairita

Gusto ko lang naman kasing ikaw ay maging masaya

Kung sino ba sa amin 'yung masuwerte?

Tumanggap ng "oo" mo, naku, ay, pag-isipan mong maigi

Kasi panalo ka kapag ako

Walang sakit sa ulo, at tiyak akong ikaw ay

Makakasigurado kang hindi ka talo

Kung ako man ang piliin mo

At 'di na ako aalis, pangako

Kung ako ang pipiliin mo

Makakasigurado kang hindi ka talo

Kung ako man ang piliin mo

At 'di na ako aalis, pangako

Kung ako ang pipiliin mo