menu-iconlogo
logo

Aking Hiling (Feat. Bei)

logo
Letras
Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo

Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko

Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin

Kung ako′y tatanungin sasambitin "Ikaw lang ang aking hiling"

Di ko akalain na makikilala

Ko ang dalagang nagpatibok ng puso ng isang binata

At bigla na lang napalunok, napatameme, nabulaga

Para bang hinele, natulala

Nang papalapit ka sa akin diyos ko para kang anghel na ibinaba

Ng langit para mahalin ng tagalupang tulad ko na di mo kalevel

Ang pagitan nating dalawa ay mas malayo

Pa sa magkabilang dulo ng tore de babel

Pagkat ikaw ay isang diwata, mas makislap pa sa mga tala

Pagpasensyahan mo na lang ang mga salita ito'y labis na paghanga

Di ko maipaliwanag ang nadarama sa tuwing magkasama tayong dalawa

Walang bagay na makakasukat sa mundong ito kung gano ka ba kahalaga

Pagkat buong araw ko ay kumpleto na, sa ngiti mo pa lang kuntento na

Kung pag-ibig mo ay naging rebolusyon handang punitin ang sedula

At nang dumalaw sa bawat araw, ikaw na nga raw hanggang pumanaw

Walang kaagaw sa puso ko, daig pa ang kayamanang hindi mananakaw

Akalain mo, kala ko ay panaginip lang ang mga to

Kung sino pa talaga yung di mo

Inasahang makilala yun pa yung babago ng buhay mo

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo

Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko

Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin

Kung ako′y tatanungin sasambitin "Ikaw lang ang aking hiling"

Sa milyong-milyong tala, kahit hindi na mapansin ang hiling ko

Hinding hindi ako magsasawa na abangan ang pagdating mo

Sa buhay ko na ikaw na lang ang

Kulang, sa puso na pag-ibig lamang ang lulan

Ang katulad mo lang ang may kakayanang

Makapagtanggol sakin hangad kong makatuluyan

Nanatili na sa isip, damdamin ko na di matahimik

Nakatingala sa mga bituin sana'y magising sa magandang panaginip

Magkatotoo na mabago ang mundo dahil

Di ko na alam kung sa papanong paraan pa

Dikit sana ng kalawakan ang sigaw nito nadarama na makamtan ka

At sana sakin ikaw ay itadhana di sasayangin

Ang pagpapala hanggang sa pagtunog ng kampana

Makasama sa dambana hanggang sa harap ng altar ohhh...

At sa hardin may umaawit na mga sagradong anghel

Ikaw ang kalma sa bawat bagyo ako'y nahimlay sa mala dyosa mong ganda

Napakagaan sa pakiramdam tuwing

Napapamiss ako akin na bukas sa maamo mong mata

Tamis sa ngiti may liwanag dahilan na

Babangon para tuparin ang mga pangarap

Inspirasyon at destinasyon ikaw ang aking masaya at masaganang tahanan

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo

Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko

Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin

Kung ako′y tatanungin sasambitin "Ikaw lang ang aking hiling"

Gusto ko lang malaman mo kahit mundo natin ay magkaiba

Palaging hangad sana puso natin ay magkaisa

Malayo ma′y malapit lang langit at lupa'y kayang tawirin sinta

Walang kahapon ang makapagdidikta

Sa magandang kinabukasan nating dalawa

Ikaw at ako wala ng iba iniibig kita sana palagi mong tatandaan

Ngayon bukas hanggang sa dulo ng walang hanggan

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo

Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko

Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin

Kung ako′y tatanungin sasambitin "Ikaw lang ang aking hiling"

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo

Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko

Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin

Kung ako'y tatanungin sasambitin "Ikaw lang ang aking hiling"

Aking Hiling (Feat. Bei) de Curse One/FLICT G - Letras y Covers