Na na na na na na na na..
Madaming nangyari taon ang binilang
Ka-jamming kumpare napapangti lang
Ngayon naalala maulit yun sana(nakakamiss lang kase)
Hindi ko mapigil ang mga ngiti ko
kapag naalala mga bagay na 'to
Kay sarap balikan tamis na'ng nagdaan nakakamiss lang kase
Sa tagal nang panahon
Kamusta ka na ba kamusta na ba sya
Ano ba ang lagay nang ibang tropa ngayon
Inuman kulitan harutan asaran (nakakamiss lang kase)
Kamusta ka naba Smugg?okay lang naman Curse
Kamusta ka naba Curse? okay lang naman Smugg
Salamat at nakagawa nanaman tayo nang isa na naman kanta na di lang nakapagbagbag-damdamin
Kundi pagbabahagi din ng bawat pangyayari sa mga buhay natin nadagdag kahit na hindi na tayo tulad pa ng dati na laman ng kalye dahil mga oras natin maluwag
Oo nga e sana kung pwede lang tayo'ng lahat ay bumalik sa ating nakaraan
Makikita mo ang meron na wala na sa ngayon mga bagay-bagay nun na di na pwedeng balikan
Nakulayang ganda kay sarap pagmasdan
Nakulayang ganda ng mga nagdaan
Sa likod nang nilakaran ko na dala nang kapalaran ko
Bakas sa mga araw sa aking mga karanasan ay natutunan ko
Ang tama at mali teka sandali kamusta na kaya yung iba
Yung iba sikat na yung iba angat na yung iba may mga anak na
Sana naman tayo'y di magkalimutan
Anuman ang mangyari kapatid o pare ilang ulit man na madapa tuloy lang
Sa mga pangarap natin kahit ano pa mangyari ay wag kayong bumitaw (mga pangarap natin bukas)
Sa tagal nang panahon
kamusta ka na ba kamusta na ba sya
Ano ba ang lagay nang ibang tropa ngayon
May kanya kanyang buhay na sana palagi kayo'ng masaya
Nasaan man o ano man ang ginagawa niyo
sana laging maalala nyo noon kung ano'ng tayo
Minsan naman minsan naman
Inuman kulitan harutan asaran nakakamiss lang kase
Kamusta ka naman Dells okay ka naman ba?
Okay naman Flict laging click mga rampa
daming nagpapic mga chick na maganda
Bigla ko lang na-miss makulit na alaala
samahan ng mga tropa sa may puno ng makopa
Uso nun ang taguan wala pa'ng games mga dota tagayan sabay ang hagikgik
mga tawa Kaya para ba'ng ngayon ay nasabik makasama kase naalala ko ang katambayan sa looban
Kasabwat sa lahat ng pag-gawa nang kalokohan pero meron damayan
sa problemang kaharap masarap may kadamay gumaan ang kalooban
Naranasan ko noon teka nasan na ba yon panahon tayo nun tila ba nasa balon
Na puno'ng puno ng alak hawak natin ang timba nangingiti ako kasi na-miss ko yun bigla
Eh ikaw naman Flict uy Dello para ba'ng malalim iniisip mo
Ha oo nga di ko lang talaga mapigilan na isipin ang mga bagay na 'to
Ang alin yung sana maulit natin ang mga panahon na dati Wala pang kamalay-malay sa mga bagay-bagay na nagdudulot ng kalungkutan sa isa't isa
Walang hanggang pag-ibig tanging laro ang hilig
Mga kabataan na naglalakbay sa hardin na puno ng himig
Nangangarap na lahat ng bituin ay mahawakan ng aking mga kamay
At ang mga kabiguan agad kalimutan sa agos ng buhay ay ipatangay
Sa tagal nang panahon
Kamusta ka na ba Kamusta na ba sya
Ano ba ang lagay nang ibang tropa ngayon
May kanya kanya nang buhay na sana palagi kayo'ng masaya
Nasaan man o ano man ang ginagawa niyo
Sana laging maalala nyo noon kung ano'ng tayo
Minsan naman minsan naman
Inuman kulitan harutan asaran nakakamiss lang kase
Madaming nangyari taon ang binilang ka-jamming kumpare napapangti lang
Ngayon naalala maulit yun sana (nakakamiss lang kase)
Kahit ano man mangyari wag kayo'ng bumitaw hangga't hindi nyo pa abot ang mga tala sa taas dahil dahil (nakakamiss lang kase)
Hindi ko mapigil ang mga ngiti ko kapag naalala mga bagay na 'to kay sarap balikan tamis na'ng nagdaan(nakakamiss lang kase)
Sige lang tuloy-tuloy tuloy lang sana'y palagi'ng nasa mabuti kayo nakakamiss lang kasi