menu-iconlogo
logo

Nabihag Mo

logo
Letras
Kahit ano'ng gawin ko upang maalis lang sa isipan ko

Kung pa'no mo sila kausapin

Kung pa'no ka tumingin sa'kin

Talagang 'di ko kakayanin

Na pigilan ang pintig ng puso ko

Hirap ko mang maamin sa'yo (ey)

Ako ay nabihag mo

That was one night, ako'y nasa isang occasion

Isang celebration, if I'm not mistaken

'Yun yata'y tapos ng graduation ng pinsan ng tropa ko sa kolehiyo

Dito nagsimula ang kwento ko

So I get a couple of drinks para may inumin

And just puffin' that smoke, if you know what I mean

Biglang may agaw-pansin

Animo'y 'di kapani-paniwalang may kumislap sa gilid

Na parang diwatang galing pa sa lugar ng mga anghel

Kakaiba ang ganda, para 'kong binaril sa puso

Ako'y na-stuck up, feels like

Napapaligiran tayo ng mga pulis

Ang buong space ay nag-freeze, freeze!

Parang kanta ni T-Pain at Chris Brown

Dulot niya para sa akin ay napakagandang sound

Pang-Binibining Pilipinas ang dating, she has the crown

Nasulat ko 'tong kantang 'to 'cause for you, I'm really down, yo

Kahit ano'ng gawin ko upang maalis lang sa isipan ko

Kung pa'no mo sila kausapin

Kung pa'no ka tumingin sa'kin

Talagang 'di ko kakayanin

Na pigilan ang pintig ng puso ko

Hirap ko mang maamin sa'yo

Ako ay nabihag mo

Sa dami ng mga lugar na napuntahan ko, akala ko lahat nakita ko na

Hugis ng kanyang katawan, nakakaakit niyang mata

Malaporselanang kutis niya

Ngiti niyang nakakapagpapababa ng mga tala

Hindi mo binalikan na meron pa lang isang katulad niya

Kilos n'ya'y mahinhin, makinang like bling bling

Unang kita pa lang, parang gusto ko nang suutan ng singsing

Bawat galaw n'ya, anino'y aking sinusundan

Pati paghawi ng kan'yang buhok, tinitingnan

At pinagmamasdan ko s'ya

Bawat anggulo, ang tanong ko

Gusto n'ya rin kaya ako?

I don't know, marahil hindi

Hindi, siguradong 'di ako ang tipo n'ya

'Di kagwapuhan, payat, walang pera at minsan lampa

Pero 'wag ka, 'pagka't kahit ganito lang ako

Mayro'n akong isang bagay na tiyak mapagmamalaki mo

Na ang lalaking 'tong sinasabihan mong lampa

May kasiguraduhan kang hanggang sa huli'y mamahalin ka, o siya

Kahit ano'ng gawin ko upang maalis lang sa isipan ko

Kung pa'no mo sila kausapin

Kung pa'no ka tumingin sa'kin

Talagang 'di ko kakayanin

Na pigilan ang pintig ng puso ko

Hirap ko mang maamin sa'yo

Ako ay nabihag mo

Lumipas, pagkatapos ng gabi na 'yon

Hanggang ngayon, 'di ko s'ya kilala, sino ba 'yon?

Ano kaya'ng pangalan n'ya, wala akong idea

I miss you, parang kanta ni Aliyah

It's been too long and I'm lost without you

'Di ako makatulog sa'yo, what should I do?

'Di ko lubos maisip na mangyayari sa'kin 'to

Ba't gan'to, aking hiling na sana'y

Balang araw, muli tayong magtagpo

Upang masabi ko sa'yo lahat ng

Aking nadarama sa'yo, aking ipagtatapat na

At kung mangyari man 'yon

'Di ko na papalampasin pa 'to

Ipapakita ko sa'yo, ako'y sobrang nabihag mo

Ako'y sobrang inlove sa'yo

Ipagsisigawan ko sa buong mundo

Sa'yo lang ako nagkagan'to, yo

'Pag nangyari 'to sa'yo ngayon, alam mo na

'Wag hahayaang mawala pa s'ya sa oras na mainlove ka

Kahit ano'ng gawin ko upang maalis lang sa isipan ko

Kung pa'no mo sila kausapin

Kung pa'no ka tumingin sa'kin

Talagang 'di ko kakayanin

Na pigilan ang pintig ng puso ko

Hirap ko mang maamin sa'yo

Ako ay nabihag mo

Kahit ano'ng gawin ko upang maalis lang sa isipan ko

Kung pa'no mo sila kausapin

Kung pa'no ka tumingin sa'kin

Talagang 'di ko kakayanin

Na pigilan ang pintig ng puso ko

Hirap ko mang maamin sa'yo

Ako ay nabihag mo