menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Nakakapagpabagabag

Dasu/Kagamine Lenhuatong
neumanncfhuatong
Letras
Grabaciones
Kamusta? bakit tila dumatal ang kaba?

Ano ba ang agam-agam na bumabagabag?

Ang dinadamdam nila'y mahirap ipinta

Bakit ba ako nagtataka?

Ako ba'ng may kasalanan kung bakit na iwan sila?

Ako nga itong nagpaparaya para sa adhikaing walang patutunguhan-

O, Kay saklap

Pa'no ba tayo magkakaisa?

Sinabihan na kitang tumakbo papalayo sa mundong

Nakakapagpabagabag!

Pinilit kong sagipin ang mga naliligaw sa dilim

Nakakapagpabagabag!

Naniwala pa ako sa sinungaling mong mga luha

"Ngunit mahal pa rin kita"

Kasalanan ko paba na 'di mo na ako makikita?

Nakakapagpabagabag!

Mas sanay na akong maglakad ng nakapiring ang aking mata

Habang buhay ko nang pinagsisisihan

Na iniwan ang tanging sidha sa puso

Naglahong parang usok

'Di na maibabalik pa

Parang sa panaghinip ko lang masisilayan ang mukha nila

"Parang awa mo na hindi na mauulit ang panganib"

Masarap makinig sa inyong mga paghihinagpis

Na tila ubod ng tamis

Sinabihan ko silang bilisan ang pagtakbo sa mundong

Nakakapagpabagabag!

Di sila nakikinig ngunit ngayo'y nagmamakaawa

Nagpapatawa ba sila?

Naniwala pa ako sa sinungaling n'yong mga mata

"Ngunit kami'y mali rin ba?"

Sino nga lang ba ako para iligtas ang inyong diwa?

Nakakapagpabagabag!

Bakit ba ako nababahala sa mundong ito?

Nakakapagpabagabag ba?

Pinilit kong sagipin ngunit sila'y nasakop na ng dilim

Nakakapagpabagabag!

Naniwala pa ako sa sinungaling mong mga luha

"Ngunit huli na ang lahat!"

Kasalanan ko pa ba na di mo na ako makikita?

Nakakapagpabagabag!

Más De Dasu/Kagamine Len

Ver todologo

Te Podría Gustar

Nakakapagpabagabag de Dasu/Kagamine Len - Letras y Covers