Ayoko ng isipin, ayoko ng sapitin
Ako na 'yong alipin at ayoko ng pilitin
Pa sayo, dapat kong
ituloy na ang paglayo.
Biktima nitong tadhana
natin na mapaglaro.
Dahil kung titignan sa titig
lang para bang nabibiglang
Naiwan tulala ng dahil
lamang sa pagibig lang...
Di na mapagbibigyan at yon ang masakit,
Sana ay hindi nalang pala sayo napalapit
Sa napiling mahalin ay
bakit ba sayo pa nga ba?
At ang Dellong mainipin
pagdating sayo mahaba
Ang pasensya at nagti tiyagang
nag aabang kahit ilang
Beses ng pinagmumukhang
tanga't hibang nagbibilang
Ng aking pagkakataon,
pero bat nagkaganon
Mahal kita, mahal mo sya,
nagtataka't nagtatanong
Kung bakit ka naging tanga
para lang maloko nya
Ako naman ang mas tanga
dahil kahit ayoko na
Nagbabalik parin at ako sayo'y palagi
Pero di ka naman sakin
kailanman di maaari
Sakin ikaw ang reyna,
di naman ako ang hari.
Kung alam ko lang nung una
di na sana 'to nangyari...
Di na sana naganap,
ako na sana'y naghanap
Ng ibang dapat ibigin
di na sana ako hirap,
Sa kalagayan ko ngayon
kung nalaman ko noon
Na maiinlab pala ko
kaagad sa isang iglap...
... sana di nalang...
(Chorus)
Di na sana kita nakilala,
di na sana ako lumapit...
Di na sana kita nakilala,
di na sana ako nagdurusa ng
Dahil lang sayo...
(2nd stanza)
Sana nung umpisa hindi na tayo
nagtabi
Kaya ngayon ay alanganin
napaibig mo kasi
At naging kabado na ko
kahit di pa nagkape
Umaasta na ayos kahit
na hindi naman kami...
Sana di ka napayuhan tungkol sa mga E
Sana wala akong cellphone
para di ka nakate t
Nung in add kita sa
sana di mo in accept
Ngayon sarili ko bakit
ba hindi ko masagip...
Sana di na umalalay sayo sa pagtawid
Pagpunta mo sa Cavite,
sana di na naghatid
At ang aking nahawakan
sana di sayong kamay
Kaya ako'y nahihirapan
pagkat di ngayon sanay
Na wala ka sa tabi,
parang wala sa katinuan
Sana di na uminom para di ka nakainuman
Sana di na naglasing
para di naging praning
Na kahit magpakasabog
sitwasyon ganun parin...
Na ako'y isang alalay
na laging nakasunod
Na kahit ka pa nakalugay
o kahit nakapusod...
Maganda ka parin sa paningin
at palihim nakatingin
Sayo mula umaga, tanghali,
hanggang sa gabihin...
Mahirap na tong gawin kahit na ipikit
Ang mga mata. bakit
ba ang puso ang kulit
Kahit nadama ulit sa damdamin ang pait
Sana di ka minahal dahil ang sakit...
Di na sana kita nakilala,
di na sana ako lumapit...
Di na sana kita nakilala,
di na sana ako nagdurusa ng
Dahil lang sayo...
Bakit may isang ikaw na
hindi pwedeng maging sakin
Bakit ang mga gabi ay
hindi pwedeng maging satin
Kung pwede lang na ang
nadarama 'toy palipatin
Maisalin ko sa iba, ayaw bang marapatin
Ang pag kakataon,
bakit ka ngayon pa lumitaw
Kung kailan di na pwede at
kailangan ko ng bumitaw
Sa pag asa ng pagibig
na hapdi ang dinala
Kasi mahal kita ng sobra...
sana di nalang pala...
HSA
HARMONIC SOUL ARTIST GROUP