menu-iconlogo
logo

Araw-Araw (feat. Jaq Dionisio of Kiss Jane)

logo
Letras
Lunes ng umaga papuntang opisina habang nabibingi sa ingay ng mga busina

Sa gitna ng kalye habang bumibiyahe sakto lang ang pera pangkain at pamasahe

Tipikal na buhay ng pinoy araw-araw kailangan ko itong gawin di pwedeng ayaw-ayaw

Dahil ang bulsa ko ay di pa napapaapaw sana kahit paano ako ay makahataw

Pursigido’ng umangat inuunti-unti ko matipid na iniipon ultimo sukli ko

Bilad na nga sa araw ang pagka-kayumanggi ko balat kakulay na ng tuhod ko saka ng siko

Pero tuloy sa paglayag tuloy sa pagsawan para ang bulsa saka ang aking tiyan ay malagyan

Kahit na ang aking sweldo parang mens lang tatlong araw lang tinatagal nito kada buwan

Araw-araw paulit-ulit hanggang sumapit ang gabi araw-araw paulit ulit bukas ay ganun muli

Araw-araw paulit-ulit hanggang sumapit ang gabi araw-araw paulit ulit bukas ay ganun muli

Pambayad ko sa upa tubig at kuryente sa ngayon tuyo na lang mabibili nung bente

Pagkasyahin kung pwede o meron natira i-sigang ko yung tuyo para medyo maiba

Ang pambayad ng matrikula dapat itabi ko na sa ganitong estado na mahirap i-manipula

Bawal ba magpahinga dapat na gawin ko na

Pumasok kahit petsa sa kalendaryong maging pula

Kase ay double pay ganun pag holiday kayod kahit mamuti buhok na parang anime

Isipin ang ngayon yung bukas ay saka na

Kung bukas ay lagas o baka maging sagana kaya sana

Medyo mag-iba ang kapalaran mapanatag ang lubak sa daang nilalakaran

Ang buhay ko ay parang libro lamang na sa bawat pahina paulit-ulit ang mga larawan

Araw-araw paulit-ulit hanggang sumapit ang gabi araw-araw paulit ulit bukas ay ganun muli

Araw-araw paulit-ulit hanggang sumapit ang gabi araw-araw paulit ulit bukas ay ganun muli

Araw-araw halos lahat ng kayod ginawa kung paulit-ulit ay nakakapagod din pala

Bisyo ko na yata ang palaging humiling mula pagsikat ng umaga hanggang sa dumilim

Araw-araw halos lahat ng kayod ginawa kung paulit-ulit ay nakakapagod din pala

Bisyo ko na yata ang palaging humiling mula pagsikat ng umaga hanggang sa dumilim

Pero pagsapit ng gabi lumiliwanag nang muli basta ikaw ang katabi nasisilayan ang ngiti

Inaalis mo ang lungkot ang pagod ko at pighati pinawi mo ng kay dali kaya

Araw-araw paulit-ulit ngayon wala na ko'ng paki bawat araw sinusulit basta ikaw ang katabi

Araw-Araw (feat. Jaq Dionisio of Kiss Jane) de Dello - Letras y Covers