menu-iconlogo
logo

Bakit Nga Ba Mahal Mo Ako

logo
avatar
Dellologo
SujitaS_star52345766logo
Canta en la App
Letras
Ilang beses ko bang sasabihin sa yo

Na kung magmamahal ka wag na ako

Masasaktan ka lang sakin

Alam mo kung bakit

Ang pag-ibig mo sa akin ay walang patutunguhan

Barumbado ang puso ko at hindi matuturuan

Na umibig ng tapat pagkat lahat sa kin laro lang

At ako ang prumotor pagdating sa kagaguhan

Kasagutan ang tanong kung pano ba ko magmahal

Kalabuan ang tugon hindi makuha ng dasal

Hindi makuhang magpigil aking mukha sa pagkapal

Sa una lang bumabait nadedemonyo pagtagal

Ayokong masaktan kita kaya layo ka na sa akin

Madami dyan iba kasi ayoko na danasin mo

Sa piling ko aminin ko mahal kita e di rin to malulutas

Makinig ka nga sa sasabihin ko iwanan mo ko gaga sakin di ka liligaya

Dahil hindi ako kagaya ng iba hindi ko kaya

Na baguhin ang sarili gusto ko y maging malaya

Sadyang mapaglaro ang puso ko y naging madaya

Sa babaeng pinaluha gusto mo pang mapabilang

At kung gagawin sa yo para sakin madali lang

Pero pag ginawa ko sakin meron ding sakit

At bakit meron ding paet teka para bang mali ang mga nararamdaman

E tangina naman kasi nagmamahal ka ng lalaki na wala naman paki

Ibaling mo ang pagtingin pilitin mong hindi ako

Kung may pusong mabibigo ang gusto ko hindi sa yo

Kasi di ka na din iba sana makaintindi ka

Ginagawa ko to kasi minamahal na rin kita

Bakit nga ba mahal kita

Kahit di pinapansin ang damdamin ko

Hindi mo man ako mahal

Heto pa rin ako

Nagmamahal ng tapat sa yo

Bakit nga ba mahal kita

Kahit na may mahal ka nang iba

Bat baliw na baliw ako sa yo

Hanggang kaylan ako magtitiis

O bakit nga ba mahal kita

Hapit ka ba sa pagibig kaya pilit kang nabalik

At nahalik kahit na sakit lang ang kapalit

O manhid ka lang kaya di mo mabatid

Na oo nga mahal kita pero bilang kapatid

Kapit ka nang kapit kahit wala ka nang makakapitan

Lapit pa nang lapit wala na bang malalapitan

Hindi na kita love kaya tama na kadramahan

Pwede parehab ka na lala na ang katangahan

Bakit mo ba binatak at tinulak kong droga

Kahit alam mo lahat ng sinulat kong obra

Ay bola lang at boka lang upang makuha ka

Bat ka nagadik kay zikk ayan tuloy naloka ka

Naknangtupa ka

Daig mo pa ang tagahanga

Nakahawak sa pangarap na tayong nakatadhana

Salamat sa lahat pero patawad pa rin

Pagkat magkaiba na ang nakaguhit sa palad natin

At yung balak natin na nung una y makasal

Mangyayari pa rin yun pero wag kang maasar

Kung hindi ikaw yung gusto kong makatabi sa altar

Alam mo ba kung bakit kasi di na kita mahal

Kaya bakit di ka na lang makinig sa aking payo

Lumayo ka na at malabo na na maging tayo

Kasi may mahal na ako at hindi ikaw yun

At kahit anong gawin mo hindi ako bibitaw dun

Bakit nga ba mahal kita

Kahit di pinapansin ang damdamin ko

Hindi mo man ako mahal

Heto pa rin ako

Nagmamahal ng tapat sa yo

Bakit nga ba mahal kita

Kahit na may mahal ka nang iba

Bat baliw na baliw ako sa yo

Hanggang kaylan ako magtitiis

O bakit nga ba mahal kita

Bakit nga ba mahal kita

Kahit di pinapansin ang damdamin ko

Hindi mo man ako mahal

Heto pa rin ako

Nagmamahal ng tapat sa yo

Bakit nga ba mahal kita

Kahit na may mahal ka nang iba

Bat baliw na baliw ako sa yo

Hanggang kaylan ako magtitiis

O bakit nga ba mahal kita