menu-iconlogo
logo

Oo Na, Kayo Na (Agaw)

logo
Letras
'Di na ko magpapakita

Doon ka na lang kung saan ka masaya

Onti na lang at manhid na

Kaya't sakit ay dagdagan mo pa

Para maging manhid ako

Ewan ko ba kung mali ba 'to

At kung sakali na makita mo

Ang tao na dati baliw sayo

Baliw pa rin naman ako

Lalo na at mas pinili mo na maging kayo

Para sayo kakayanin ang sakit na to

Kaya wag ka na ngang mag- alala

Para sakin wag mo na ring paasahin

Kahit naging alanganin ahh

Para satin aalam natin na eto ay dating laban natin

Ngayon ay ako na lang mag- isa pero pilit kakayanin

Pwedeng bago siya lumisan

Pakiusap ko sana'y pakinggan

Oo na kayo na

Huwag mo nang ipamukha

Na naagaw mo siya

Kung yan talaga ang tinadhana sa atin hindi na para humadlang

Hayaan mong akuin ko ang lahat ng bigat para pasanin mo'y gumaan

Wag mo kong intindihin kaya ko to gusto ko ikaw ay maging masaya

Kahit ang kapalit non ay ang yong kahilingan mahal nabitawan kita

Alam mo naman ako gagawin ko lahat para maging maligaya ka lang

Di na ko aasang sakin mo matatagpuan ang saya na iyong inasam

At isa lang ang aking hiling aking dasal na sana'y alagaan ka nya

Kung may pumatak man na luha sayong mga mata ikalulungkot ko talaga

At sa bagong pag- ibig ng aking inibig sayong mga bisig iyong alagaan

At di na ko sisingit di na ipipilit dahil saking isip pangarap na lamang

Lahat ibalik kahit ako'y sabik kaya mga halik nagkaroon ng hangganan

At oo na sige na kayo na wag mo lang ipamukha ng harapan

Pwedeng bago siya lumisan

Pakiusap ko sana'y pakinggan

Pwedeng bago nya ko iwan

Pakiusap ko sana'y pakinggan

Oo na kayo na

Huwag mo nang ipamukha

Na naagaw mo siya

Na mahirap ng tayong dal'wa

Kaya sayo na lang sya

'Di bat mahirap ng tayong dal'wa

Kaya sayo na lang sya

Dagdagan mo pa

Oo na kayo na

Huwag mo nang ipamukha

Na naagaw mo siya

Oo na kayo na

Huwag mo nang ipamukha

Na naagaw mo siya

Oo na kayo na

Huwag mo nang ipamukha

Na naagaw mo siya

Oo Na, Kayo Na (Agaw) de Dionela/Dello/Flict G. - Letras y Covers