Di mapaliwanag ang nararamdaman (Oh no)
Di rin makaamin
kaya sa'kin na lamang (Oh yeah!)
Natatakot baka di mo pansinin
Kapag umamin sa'yo na merong pagtingin kaya
Wag na lang, wag na lang
Wag na lang, sa'kin na lamang
Akala ko nung una ay kinakabahan
Kung bakit ganito na nga aking nararamdaman
Hindi masisi ang sarili kung nagugustuhan
Ang tulad mo at kaso nga lang ay kinakabahan
Na aminin saiyo ang di masabing pagtingin
Baka kasi may mailang ka't di mo na rin pansinin
Ang tulad ko na nais lamang na iyo ay lambingin
Kaso baka matuwa lang at ako ay sampalin
Mainam rin na kimkimin na lamang ang lahat imbis piliin pa na kiligin
Kung magka-lamat
Ang pinagsamaha'y maaawat
Bagay na hindi na dapat
Bale pang manatili kung ayon ang nararapat
Hindi ko lang maamin
Gusto ko ng sabihin
Pano ba ito aaminin
Sa akin nalang ba
Itong nadarama
Paano ko sabihin
Oo ito na nga
Damdamin binubulong sa hangin
Ang aking pagtingin na nakatago nakalihim
Gusto ko mang sabihin pero na duduwag
Gusto ko mang aminin pero nabubuang
Ohhh ohh sa akin nalang ba ito
Ohhh ohhh ohhh gusto ko lang malaman mo
Di mapaliwanag ang nararamdaman (Oh no)
Di rin makaamin
Kaya sa'kin na lamang (Oh yeah!)
Natatakot baka di mo pansinin
Kapag umamin sa'yo na merong pagtingin kaya
Wag na lang, wag na lang
Wag na lang, sa'kin na lamang
Una palang hinding hindi ko inakala
Tatamaam ako kahit hindi naman dapat
Ang nararamdaman ay hindi maawat
Itatago nalang, yun nararapat
Kasi di pako handa ayoko rin
Umamin baka walang mapala (Yeah)
At sating dalawa kung mangyare man
Ako'y di na mag iiba (Yeah)
(Kasi)
Bawat dalangin
Palaging hinihiling
Kung hindi man palarin
Akin yan tatanggapin
I know we're just friends, girl
But mah feelings for you more than that
So gimme gimme more chance oh girl
'Cause mah love is for you
Kasi mamaya iinom ng alak
Para may lakas sayo ay mapa drunk chat
Yah, telepeno ay hawak na
Aamin na ba?
Sayo ng lihim na pagtingin
No woah
Kaso baka telepono'y patayin
Di mapaliwanag ang nararamdaman (Oh no)
Di rin makaamin
Kaya sa'kin na lamang (Oh yeah!)
Natatakot baka di mo pansinin
Kapag umamin sa'yo na merong pagtingin kaya
Wag na lang, wag na lang
Wag na lang, sa'kin na lamang
Minsan gusto ko nang itigil tong nararamdaman
Kaso isipa'y nagbabago pag ikay napapadaan
Biglang magyaya ng maghapon na galaan
Para bang may tayo kaso ako Lang ang nakakaalam
Pero mapalad parin kahit di ko pagmamay-ari ang iyong kamay
Dahil ang bawat oras na iyong binigay ay mga sandali na walang kapantay
Kaya ko na mag-antay,
At baka dumating ang araw na
Maramdaman mo rin bigla na ako sayo'y mahalaga
Mahal na nga kita kaso pano aaminin
'Tong tinitibok ng puso napakahirap na sabihin
Siguro'y may tamang panahon para dyan
Kaya mag tya-tyaga na lang sa pag-aabang
Yeah hirap naman maka chempo
Kung paano sasabihin sayo ang sikreto
Na nadarama hindi ito imbento
Sigurado na sayo isang daan poryento
Kaso laging inaabot ng kaba atras abenta
Aking dila pag nadyan kana
Yung tipong sandaling mapapatitig ka
Hay nako patay parang bang nasa langit na
Ano ba ano ba ano ba bakit kinakain ng kaba
Pano ba pano ba pano ba sasabihin ang nadarama
Di mapaliwanag ang nararamdaman (Oh no)
Di rin makaamin
Kaya sa'kin na lamang (Oh yeah!)
Natatakot baka di mo pansinin
Kapag umamin sa'yo na merong pagtingin kaya
Wag na lang, wag na lang
Wag na lang, sa'kin na lamang
Maling mali ang aking nararamdaman
Alam ko dapat kung ako'y hanggang saan
Hindi pupwede, 'di maaari
Pero sino bang hindi mahuhulog?
Sa tuwing pag gising
Makikita ang good morning
Tapos tatanungin mo ko kung kumain na ba ko
Pasensya 'di pa ko nag saing
Alam kong may magbabago kaya wag na lang
Umamin sa iyo
Kaya sa'kin na lang
Bakit ba napakahirap
Na sabihin sa iyo?
Hindi tuloy ako mapakali sa tuwing kaharap mo
Lalo na kapag ikaw ay papalapit na
Palagi na lang akong natataranta
Pinagpapawisan at nauutal pa
Kaya malabo na talagang mabanggit pa na
Minamahal kita oh
Sana nama'y magka tiyansa nang maamin sa'yo
Di mapaliwanag ang nararamdaman (Oh no)
Di rin makaamin
Kaya sa'kin na lamang (Oh yeah!)
Natatakot baka di mo pansinin
Kapag umamin sa'yo na merong pagtingin kaya
Wag na lang, wag na lang
Wag na lang, sa'kin na lamang