menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Narsisis

EJ Powerhuatong
sirj99huatong
Letras
Grabaciones
Gusto mong ikaw ang pinakamarahas

Gusto mong ikaw ang laging bida sa palabas

Pwes itong buong kanta sa'yo nakatuon tutal gusto mong ikaw ang sentro ng atensyon

Gusto mong ikaw ang pinakamarahas

Gusto mong ikaw ang laging bida sa palabas

Isisigaw ko pa ng buong lakas para matamaan lahat ng mapagmataas

Ang palagi mong gawain mantapak ng damdamin ng di mo napapansin

Pwes sasabihin ko lahat ng gusto kong sabihin at gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin

Gusto mong ikaw ang pinakamarahas

Gusto mong ikaw ang laging bida sa palabas

Isisigaw ko pa ng buong lakas para matamaan lahat ng mapagmataas

Meron akong kakilalang may ugaling mahiwaga at palaging may mga kwentong di kapani paniwala

Gusto laging nakikipagsabayan

Nakakalason ka ang hirap mong pakisamahan

Para kang batang may gatas pa sa labi, leche ka!

Pare-parehas lang tayo ng hangin na hinihinga

Basag basag ang replika sa pansariling astetika

Nakakababa ng enerhiya mga tulad mong vegeta

Di naman kasi ganun kahirap magpakumbaba

Hindi ko maintindihan ba't puro pangungumpara

Anumang meron ako, hindi sa'yo mapupunta

Di ko rin naman trip kung ano ang meron ka

Akmang akma sa pagkatao mo ang liriko ng buong kanta na to

Ayokong makihalubilo sa taong mahilig sa pagbubuhat ng bangko

Marami ang nabuburat na sa'yo

Totoo lahat ng yan

Mukha mo'y sagad sa kakapalan

Isa kang malaking katatawanan

Kaya tanggalin ang kahambugan na nababalot sa iyong katawan

Itigil ang paghahambing pagkat tayo'y may kanya kanyang mga kakahayan

Itatak mo sa kukote mong walang laman na magkaiba ang pinagmamalaki sa pinagyayabang

Ang palagi mong gawain mantapak ng damdamin ng di mo napapansin

Pwes sasabihin ko lahat ng gusto kong sabihin at gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin

Gusto mong ikaw ang pinakamarahas

Gusto mong ikaw ang laging bida sa palabas

Pwes itong buong kanta sa'yo nakatuon tutal gusto mong ikaw ang sentro ng atensyon

Gusto mong ikaw ang pinakamarahas

Gusto mong ikaw ang laging bida sa palabas

Isisigaw ko pa ng buong lakas para matamaan lahat ng mapagmataas

Panlabas ang ka uri binaba

Hanginin paangas sa mga tumitingala

Na bilib at malakas kaya yung tingin nya sa

sarili ay mataas hanggang sa tumirik mata

Puriing gawa at katha ng kadakilaan

Papansin sa mga ganap na dapat pagbidahan

Walang kilalang kasama pag walang kailangan

May paki na bang natanggap ang walang pakinabang

Hinala sakanyang kinabibiliban

Paniniwala sa lahat ay di mahihigitan

Nagtitiwala na wala ng pinagiisipan

Sang inggit na akala sya ay kina iingitan

Na may gustong patunayan nakayuko sayo habang nasa punto na gumapang hanggang ulo at yumabang

Nang maputol ang ugnayan tamang puro kakupalan nang abuso at suwapang nasa dulo ako lamang

Gusto mong ikaw ang pinakamarahas

Gusto mong ikaw ang laging bida sa palabas

Pwes itong buong kanta sa'yo nakatuon tutal gusto mong ikaw ang sentro ng atensyon

Gusto mong ikaw ang pinakamarahas

Gusto mong ikaw ang laging bida sa palabas

Isisigaw ko pa ng buong lakas para matamaan lahat ng mapagmataas

Más De EJ Power

Ver todologo

Te Podría Gustar

Narsisis de EJ Power - Letras y Covers