menu-iconlogo
huatong
huatong
Letras
Grabaciones
Pwede ba na ibalik muna sa simula?

Dami na kasing nag-iba

Ibang-iba na, amnesia ba ang dinala?

'Di ko na kayo kilala, nakakabigla

Espasyo na mas lumala, pinaglayo ba ng sadya?

'Yung samahan natin, magkaiba na ng hangarin

May kanya-kanya ng pasanin, parang bituing

Ang labo niyo nang abuting, pahirapan humiling nang

Kasama sa inuman kahit na saglit lang (saglit lang)

Magkakuwentuhan at para mapakinggan nang isipan

Ko sa panahon na mas napilitan kong isinilang

Ang sensitibong puso at utak ko na mapalinlang, palihim lang

Mula nang 'di na tayo nagkasama ng maliwi

'Di ko malaman kung inip o nilamon ng inggit

Kayo nga bang nagbago o hindi ko lang naisip?

Umuusad kayo, ako'y naiwan at na ipit

Ilan araw ng nawala't nabura

Parang 'di pa yata kaya ('di kaya)

Kaya't pwede bang

Pwede ba na ibalik muna sa simula?

Dami na kasing nag-iba

Pwede ba iba na'ng maunang mag-umpisa?

'Di pa kasi ako handa

Kamay na orasan ay ibalik ko sana noong tayo sa gitna

Kasi nakakapagod ding maging malakas (at)

At kung ako parang ngayon gusto ko nang lumabas

Sana nga gano'n lang talaga kadali

Hinahanap ko ang daan ko pabalik

(Pabalik, pabalik, pabalik, pabalik, pabalik) pabalik

Ito na ba 'yung gustong puntahan, bakit parang hindi?

'Pag iniisip lang lumalala, gusto makita mga ngiti mo, mo, mo, leh

Pabalik nang pabalik nang pabalik nang pabalik sa 'yo

Ilan araw nang nawala't nabura

Parang 'di pa yata kaya ('di kaya)

Kaya't pwede bang

Pwede ba na ibalik muna sa simula?

Dami na kasing nag-iba

Pwede ba iba na'ng maunang mag-umpisa?

'Di pa kasi ako handa

Ah-ah, nasa'n ka na? (Nasa'n ka na?)

Ikaw ay nandito, kailangan kita (kailangan kita)

Ah-ah, nangangamba 'pag nahuhulog

May sasalo ba? (May sasalo ba?)

'Di ko na mapiling ang panalangin ('langin)

Kung mero'n pa ring sasagip sa akin

Puwang na'ng aking udot at lungkot na

Na idinulot, nakatalukbong, nakakumot

Puro na lang ba salimuot ang sasalubong sa 'king diwa't

'Di pa 'ko makapaniwalang 'di ka na kayang balikan (ehy)

Pwedeng ulitin ko na lang?

Pwede ba na ibalik muna sa simula? (Yeah, yeah)

Dami na kasing nag-iba (uh, uh)

Pwede ba iba na'ng maunang mag-umpisa? (Oh, woah)

'Di pa kasi ako handa

Pwede ba na ibalik muna sa simula? (Kailangan kita)

Dami na kasing nag-iba

Pwede ba iba na'ng maunang mag-umpisa? (May sasalo ba?)

'Di pa kasi ako handa

Pwede ba na ibalik muna sa simula?

'Di pa kasi ako handa

Más De EMMAN/Awi Columna/kiyo/Alisson Shore

Ver todologo

Te Podría Gustar