Bakit pa kailangan na masaktan
Ang puso kong ito sa iyong paglisan
Hapdi ang syang naramdaman
Hindi na ba maibabalik ang
Lahat ng ating nakaraan
Dahil ba sa huli na ang
Lahat sayo'y paalam
Sa pagkawala ng relasyon
Na aking iningatan
Na ngayon ko lang naramdaman
At aking naranasan
Ang umibig ng lubos at
Ibigay ko ang lahat
Tinatanong saking sarili
Kung hindi pa ba sapat?
Ang lahat ng ginawa
Ko para lamang sa iyo
Bakit kailangan mangyari
Pa ang mga ganito
Pilit na inaalala mga bagay na nangyari
Saking puso at sa isip
Kalungkutan ang naghari
At naghiwalay tayo na di
Man lang nakapag usap
Hanggang sa huling sandali
Wala ng pangungusap
Na lumalabas sa labi mo
Na gusto kung malaman
Kung bakit nagkaganto
At bakit mo ko iniwanan
Dahil ba sa sabi-sabi at mga bali-balita
Di mo na ko tinanong at
Tuluyan kang naniwala
Sinira mo ang tiwala at akoy tinalikuran
Bakit kailangan kung
Masaktan sa iyong paglisan
Bakit pa kailangan na masaktan
Ang puso kong ito sa iyong paglisan
Hapdi ang syang naramdaman
Hindi na ba maibabalik ang
Lahat ng ating nakaraan
Dahil ba sa huli na ang
Lahat sayo'y paalam
Naghiwalay tayo na kapwa'y
May samaan ng loob
At di man lang ako nakaangat
Sa aking pag lubog
Hanggang sa huling sandali
Di man lang nakapagpaalam
Katagang nais sabihin
Hindi ko man lang nabitawan
Na sana'y mag-iingat
Ka sa lahat ng sandali
Di na ko muling hahabol
At magbabakasakali
Na maibalik ang dati
At makapiling sa twina
Ang isang katulad mo pagkat
Wala na ngang pag-asa
At hindi talaga tau
Ang itinakda ng diyos
Kaya ang pagsasama natin
Ay maagang nag tapos
Bakit kailangan ko pang
Masaktan sa iyong paglisan
Di ko lubos maisip bat
Ganito ang kapalaran
Bago magtapos ang awit
Ko sana'y malaman mo
Na wala na akong ibang inibig
Kung di ang katulad mo
Ngayong tapos na ang lahat
Pati ang awiting kung ito
Salamat sa pagkat naging
Bahagi ka ng buhay ko.
Bakit kailangang humantong sa
Hiwalayan ng lahat.
Ang nangyari sa relasyon natin hindi
Ko matanggap.
Hindi ako nagkamali at nagkulang
Sayo sinta
Ngunit anung isinukli iniwan mong
Nag iisa.
Walang pagsidlan ang saya
Nung makilala ko ikaw
Ngunit lahat ay nagbago
Noong ikaw ay bumitaw
Tanggap ko na kung di ka
Sa akin, ikaw ay sa kanya
Mahal kita pero di
Tayo para sa isa't isa
Kung kaya ko lng pahupain
Ang nadaramang ito
Ngunit di ko kayang itakwil
Na lang ang pag-ibig mo
Kasi sobrang mahal kita,
Yan ang pakatandaan mo
At minahal kitang lubos
Ng higit pa sa buhay ko
Walang pagsidlan ang saya
Nung makilala ko ikaw
Ngunit lahat ay nagbago
Noong ikaw ay bumitaw
Tanggap ko na kung di ka
Sa akin, ikaw ay sa kanya
Mahal kita pero di
Tayo para sa isa't isa
Kung kaya ko lng pahupain
Ang nadaramang ito
Ngunit di ko kayang itakwil
Na lang ang pag-ibig mo
Kasi sobrang mahal kita,
Yan ang pakatandaan mo
At minahal kitang lubos
Ng higit pa sa buhay ko.