Kapeng aking tinitimpla
Lagi ngayong lumalamig
Hindi ko malaman kung kulang sa tamis
Tasang walang kibo sa aki'y nakatitig
Ako't siya'y naghihintay
masagi ng iyong bibig
Buhok na mahaba
Iniingat ingatan mo
Noong isang linggo'y, pinaputulan mo ito
Marahil ay pagod lamang ang aking isipan
At di ko napansin at hindi tinutulan..
Huwag kang magalala di ako iiyak
Di magdaramdam kahit na ga patak
Pag ibig na minsan na ating dinanas
Sa tulad kong putik tama na at sapat
Pintong dati rati'y bukas
Sa aking pag dating
Ngayo'y naka sara at panangga sa hangin
Kung ako ay dumalaw at ito ay katukin
Kahit mahina pa sana ay iyong sagutin
Kay linis ng silid, walang nagkakalat
Medyas at sigarilyo'y, walang naghahanap
Sanggol na nasanay, nasanay sa ama
Ngayo'y natutulog kahit nag iisa...
Huwag kang magalala di ako iiyak
Di magdaramdam kahit na ga patak
Pag ibig na minsan na ating dinanas
Sa tulad kong putik tama na at sapat
Huwag kang magalala di ako iiyak
Di magdaramdam kahit na ga patak
Pag ibig na minsan na ating dinanas
Sa tulad kong putik tama na at sapat...
Sa tulad kong putik tama na atbsapat...