menu-iconlogo
logo

Hindi Ako Iiyak

logo
Letras
Kapeng aking tinitimpla

Lagi ngayong lumalamig

Hindi ko malaman kung kulang sa tamis

Tasang walang kibo sa aki'y nakatitig

Ako't siya ay naghihintay

masagi ng iyong bibig

Buhok na mahaba

Iniingat ingatan ko

Noong isang linggo'y pinaputulan Ko ito

Marahil ay pagod lamang ang Iyong isipan

At di mo napansin at hindi tinutulan

H'wag kang mag alala di ako iiyak

Hindi magdaramdam kahit na ga patak

Akoy pinulot mo sindumi ng burak

Binigyang pangalan Itong aking Anak

Pintong dati rati'y bukas

Sa IyOng pag dating

Ngayo'y naka sara at panangga sa hangin

Pag ikaw ay dumalaw ito ay katukin

Kahit mahina pa Itoy aking Sasagutin

Kay linis ng silid walang nagkakalat

Medyas at sigarilyo'y walang naghahanap

Sanggol na nasanay, akala ay ama

Ngayo'y natutulog Ito kahit nag iisa

H'wag kang mag alala di ako iiyak

Hindi magdaramdam kahit na ga patak

Pag ibig na minsan sa iyo'y dinanas

Sa tulad kong putik tama na at sapat

H'wag kang mag alala di ako iiyak

Hindi magdaramdam kahit na ga patak

Pag ibig na minsan sa iyo'y dinanas

Sa tulad kong putik tama na at sapat...

Hindi Ako Iiyak de Flippers - Letras y Covers