Dalawang mukha ang buhay nakangiti at umiiyak
Nakangise o nakaisme
Karangyahan at paghihirap
May mapalad at minamalas
Sa pag gulong ng ating palad
Lagot sa buhay ang nagpapatunay
Kung sa latay ay matatag
Kasipagan o katamaran
Alin ba dito ang pag pipilian
Mga bulag na nakakakita
Ang may mata walang nasisilayan
Wag kang tumawa ng tumawa
Baka ika'y biglang lumuha
Anumang uri ng kasiyahan
Nababahiran ng lungkot
May tenga pero binge
Ung mga binge nakakarinig
Mga pipeng umaawit
Ang lalakas ng kanilang mga tinig
Nabobosesan ko sila
Kahit sila'y may kapansanan
Ang may barya ay mayaman
Pero salat sa katotohanan
Daig nila ang tulad ko
Ang tulad mong mga normal
Sa kabilang buhay pantay pantay
Ang tingin satin ng maykapal
Kaya't wag kang tumawa ng tumawa
Baka ika'y biglang lumuha
Anumang uri ng kasiyahan
Nababahiran ng lungkot
Wag kang tumawa ng tumawa
Baka ika'y biglang lumuha
Anumang uri ng kasiyahan
Nababahiran ng lungkot
Nakatawang umiiyak
Ngumangawang umahalakhak
Isang paa'y nakasapatos
At ang isa ay nakayapak
Nakabihis na nakahubad
Nasisilipan ng lahat
Mga gising pero tulog
Laging sabog ang mga utak
Nakakotseng magagara
Pero mabagal ang takbo
Di na lingad balang araw
Lahat tayo'y magiging abo
Wag kang tumawa ng tumawa
Baka ika'y biglang lumuha
Anumang uri ng kasiyahan
Nababahiran ng lungkot
Wag kang tumawa ng tumawa
Baka ika'y biglang lumuha
Anumang uri ng kasiyahan
Nababahiran ng lungkot
Wag kang tumawa ng tumawa
Baka ika'y biglang lumuha
Anumang uri ng kasiyahan
Nababahiran ng lungkot