menu-iconlogo
logo

HALIMAW

logo
Letras
Ano

Ano ang dapat kong gawin

Upang ang aking munting tinig ay iyong mapansin

Isang munting pangarap taglay na agimat nung ako'y nagsisimula

Tila mahaba na paglalagkbay karugtong ng aking maiksing tula

Ang mandiri wala halo-halo man mga laway sa mic pag nakikidura

Tila merong katauhan dapat pangatawan kahit di ko alam ang magiging mukha

Ko na hinarap sa gitna ng entablado mga tao pag ako'y nakatayo na

Panahong kung wala kang kakilala ay di ka makilala manahimik ka na muna

Mga duda napamura ng harapan kinain mga bunga

Sabi nga ni Em asintado ka dapat "You only got one shot" kaya ang tira ko bazooka boom!

Masyadong madrama man unang mga tagpo

Kita mo sa ibawbaw ng lamesa kesa sa makibuhat na lang ng bangko

Samu't sari kulay ng mga panyo pilit isaklob ay tunghay

Labas ang pangil at sungay husay pag lumabas ang tunay nya anyo

Dami ng kontra bilang ang suporta, hataw lagi kahit san man nakatoka

Wala halong droga, pero lahat bogsa pag bagsak ng dalang mga bomba

Sampu ng patimpalak na nironda, hiniram na porma, inutang na qouta

Pag natalo bokya pag nanalo batsi may pang tapsi na ang mga ropaaa... ohaaa!

Tulad nyo ay simpleng tao lamang din ako dito na para bang si aries

Taas ng pangarap babaw ng kaligayahan parang tampisaw sa batis

Pagsisikap sa nais, paghihirap na tangis

Balanse na bumuo walang kulang walang labis para ako ay ganap na balawis

Walang babala mula sa baba lumipad paangat na yung amatz malala

Ratatatat kung pamalas halata dahilan kung bat inyong angas nawala

Di mapigil kusa na kumawala tinimpi na gigil tanong pano pa kaya?

Matapatan ng ilaw baka ikaw ang masilaw pag ang tunay na halimaw lumabas na sa banga

Ano

Ano ang dapat kong gawin

Upang ang aking munting tinig ay iyong mapansin

Ano ang dapat gawin

Ano

Ano pang dapat tangkain

Nang mapabilang sa mga hinahangaan din

At tawaging Halimaw

Naging sundalo ni Gab, naging haligi ng Mobsta

Nagpakabaliw sa mga obra ni Gloc, hanggang sa maging ikaunang Shockra

May tarasa, mga ryhming ay hindi basta

Sa rap game nagpaka monsta, maangas, 'la nga lang kwarta

Sa martsa at baila ng buhay sumagad, ng non-stop

Nagpaka top-notch sa prime time ng mga young blood at young god

Ang maging rapstar bago mag fire ng last shot

Kaso mailap ang tsansa kahit may basbas pa ni masta

Oo magaling, kaso marami pang dapat na gawin

Totoo lang napakadali lang na alamin

Ang sagot sa lahat, nasa harap na nang salamin

Baka katulad din nila 'ko na takot harapin at tanggapin mga rason na mapait

Na kaya naman ako hindi mabenta kasi 'di naman astig ang aking packaging

Kaylangan ng matinding marketing kung ang itsura natin na pang halloween

Ay hindi na kaya pa na magicin, pa'no niyo nga naman ba'ko mamahalin?

Oo magaling, pero kung pinapangarap ko ay magka mil

Gamit ang mga awitin ko na natanim, 'di sapat yung rapper na walang dating

Ano bang dapat na gawin ko ha? Dito sa siglo na di na in ang lirisismo

'Di natrip ang mabilis na istilo, dito isa na 'kong, G na G na Tito

Ba't di 'ko makuwa mga kiliti niyo? Lahat naman ng ginawa ko'y solido

Pa'no ba makasabay sa bagong meta pre? Pabato naman ng info

Papirma naman sa kotrantang naglalaman ng milyon na piso

Kung ayaw niyo, 'di huwag, siguro 'di pa para sa'kin, susundin ko na lang muna si Pollisco

Susuntok ng malakas, mala Ipo

Itotodo hanggang makatsamba, makabinggo

Kelangan na yatang kumain ng apoy habang tumutula

Me'ron akong tanong, pwede bang sagutin niyo

Ano

Ano ang dapat kong gawin

Upang ang aking munting tinig ay iyong mapansin

Ano ang dapat gawin

Ano

Ano pang dapat tangkain

Nang mapabilang sa mga hinahangaan din

At tawaging Halimaw

Wala nang medya medya

Anong petsa petsa

Upak agad pag pumalo ang beat

Mga pa-teka-teka

Kahit acapella

Panigurado na naka repeat

Ang awit nato pinag-initan mo kasi

Syento por syentong hindi ginipit

Umaamin na po dumadami na po

Ang mga magaling at malulupit

Pero teka lang ano ba talaga ang kailagan na gawin ng nais na maging makata

Bumababa napo yata ang panata sa talata

Nag kakandarapa

Dinadapuan padin ng kaba

Hinihinhintay ko lang na bumuga

Panulat na hindi mabubura

Sa tagal ng panahon na dumaan ay masasabi pa kaya ng malakas na pwede pa

Magaling ka pa ba

Kapag itinabi sa iba

Dala-dala mga kanila

Di mapakale ka

Pakinggang mo grabe diba

Mga sulat na di mapadipa

At Nababalisa

Sa mga kinabaisa

Pero bakit ka nag-kakalisa

Pag nag sasalita

Ikinakahiya

Pag tinapatan ay kusa kang sumasaliwa

Pinigilan ko mamuna

Alam ko na

Ramdam ko na

Lumubog ka sa galit

Pinipilit mauna

Tasang-tasa

Kutob ko sa

Mga sakin gumamit

Kahit na tira-tira

Birang bira

Tugon ko sa

Mga nang lilimahid

Sumabay sa alon na parang nakatimon

Punuin man ng miron

Kaya ko na mag papalit-palit

Kahit ang bulag ay nakita

Nadinig ito ng bingi sa

Harapan naka tingala sa letra binasa tila tubig sa misa

Garantisado na mabisa

Animo'y pinipigil na ihi sa

Mahabang byahe sa sinabi namin

Masarap na hangin hahanap-hanapin

Teka dapat ay tapos na to

Nilapatan ng lubos ako

Ay napalaban nanaman

Sinamahan ng tagos na bro hindi pwedeng patapon

Abaddon smugglaz lang naman

Kaya kahit kailan

Kaya pa kaya Lupitan

Lalamunin ng buhay

Yan ang malinaw

Galingan mo lang palagi

Para hindi ka masagi kasi parating na ang mga Halimaw

Ano

Ano ang dapat kong gawin

Upang ang aking munting tinig ay iyong mapansin

Ano ang dapat gawin

Ano

Ano pang dapat tangkain

Nang mapabilang sa mga hinahangaan din

At tawaging Halimaw

Sinong halimaw

Palaging malinaw

Pag bumibitaw

Hindi naliligaw

Lahat napapahiyaw

Halimaw

Sinong halimaw

Palaging malinaw

Pag bumibitaw

Hindi naliligaw

Lahat napapahiyaw

HALIMAW de Gloc 9/abaddon/Smugglaz/Hero - Letras y Covers