menu-iconlogo
logo

Soulmate

logo
Letras
Kaya pala ganon

Parang tinadhana nga ng panahon

Lahat lahat ay gagawin

Araw Araw sasambitin

Kaylan may ako'y sayo parin

Nagi sag pro

Lagi akong Nasasaktan Pero di ko inakala

Kaya pala ganon dahil sayo ko tinadhana

Bago ka makilala tila ilang bundok pinala

Daming Dagat na nilangoy buong mundo aking ginala

Upang Ika'y matagpuan at aking makamtan

Ikaw ang premyo ko matapos ilang beses masaktan

Dahil sayo muling nabuhay sakin salitang tiwala

Kung hinala mong mahal kita tama ang yong hinala

Sa Daming naglipana na pwedeng mahalin

Sipag akong ibigin ka at di ako tatamarin

Dahil ikaw ang salarin kung ba't nagmamahal ako

Kaya dapat mong alamin ako'y magtatagal sayo

Ako'y Nilalaro't Biniro ng tadhanang malupet

Ang puso kong binibigay binabalik saking punet

Ngunit ako ay makulet Nagmamahal ulet

Ayos lang dahil sa kabila ng lahat

Ikaw ang kapalet Love it

Kaya pala ganon

Parang tinadhana nga ng panahon

Lahat lahat ay gagawin

Araw Araw sasambitin

Kaylan may ako'y sayo parin

At kung magtatanong

Kung kaya ba na limutin ang noon

Parang di pa nasaktan

Nagmamahal Ng bago lang

Iibigin Kita ng ganon

Dito sa mundong ito ang mga tao ay bilyon

Ang magkita tayong dalawa planado satin yon

Ng ating panginoon Ngunit bakit pinatagal

Nya pa to bago kita makaharap aking mahal

Siguro Nga tayo'y kanyang sinusubukan

Magkikita din tayo basta wag natin syang sukuan

Binigay nya tayo sa iba upang tayo'y tulungan

Para pag nasaktan tayo meron tayong matutunan

At merong makukunan ng aral at isipin

Na nating maigi kung sino ang iibigin

At sinong pipiliin ng puso mong sawa na

Masira at umasa kang ito'y magagawa pa

Dahil kung hindi ka nagkaron ng pangit na alaala

Di ka mag- iingat at hindi mo ko makikilala

Kaya pala ibinigay nya muna tayo sa iba

Para sa hule handa na tayo sa isa't- isa

Kaya pala ganon

Parang tinadhana nga ng panahon

Lahat lahat ay gagawin

Araw Araw Sasambitin

Kaylan may ako'y sayo parin

At kung magtatanong

Kung kaya ba na limutin ang noon

Parang di pa nasaktan

Nagmamahal Ng bago lang

Iibigin Kita ng ganon

Ang matagpuan kita hindi rin madali

Natutunan ko dapat pala wag kang magmadali

Dahan- dahan sa pagmamahal nang di ka masawi

Dahil ang taong para sayo kusang magagawi

Dyan sa buhay mo biglang magku- krus inyong landas

Dun mo madadama pag- ibig na kakaibang antas

Sya ang tanging kahinaan mo at tangi mong lakas

Pag- ibig na wagas hindi magwawakas

Sa wakas natupad na aking ambisyon

Dahil natagpuan ka na tapos na aking misyon

Ako'y kumapit sa pagtitiis at pagsisikap ko

Nung nakilala ka doon natapos paghihirap ko

Saking mga nakaraan wala na kong hinanakit

Ako'y nagpapasalamat sa kanilang pananakit

Dahil sila naging tulay upang ika'y matagpuan

Ikaw ang aking bahaghari pagtapos ng tag- ulan

Anuman pinagmulan ng inyong nakaraan

Wag kayong susuko dahil may taong nakalaan

Para lamang sa inyo sila ang magpapagaan

Sa kalooban nyo kahit gano kabigat nakadagan

At ang mga sugat sayong puso di na nya dadagdagan

Dahil ang masaktan ay masakit talaga alam nya yan

Dahil kung di kayo parehas nasaktan hindi kayo

Magkakatagpo at sa huli 'di magiging kayo

Kaya payo ko sayo pasalamatan ang noon

Kaya ka nabigo noon may plano ang panginoon

Lagi mo syang tinatanong kung bakit nagkaganoon

At yung soulmate mo wala pa san ba sya naroroon

Kalma lang maghintay ka lang darating din 'yon

At ang iyong pagdarating malamang hinihintay din non

Kayo'y parehas lang naghihintay ng pagkakataon

At malay mo sabay kayong nakikinig sakin ngayon

Kaya pala ganon

Parang tinadhana nga ng panahon

Lahat- lahat ay gagawin

Araw- araw sasambitin

Kailan man ako'y sayo pa rin

At kung magtatanong

Kung kaya ba na limutina ng noon

Parang di pa nasaktan

Nagmamahal ng bago lang

Iibigin kita ng ganon

Soulmate de Hambog ng Sagpro/Synnah - Letras y Covers