menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

ang balikat at baywang

Ian Quiruzhuatong
shamoobebop86huatong
Letras
Grabaciones
Sa ilalim ng bituin (ilalim ng bituin), sa liwanag ng buwan (liwanag ng buwan)

Sa may 'di kalayuan ay ikaw ang siyang tanaw

Kung mangusap ang mata (kung mangusap ang mata) at itulak ng paa (itulak ng paa)

Matutukoy ba kung dibdib ko ay kakaba-kabang

Magsabi ng nararamdaman?

Sa'ng lupalop nagmula

Pangungulilang 'di naman sinadya?

Sa pag-agaw ng dilim

Lalong sumilay ang iyong talinghaga

Sana naman ay palaring makadaupang-palad ka

At maisayaw sa lilim ng puno ng akasya

Lahat ng aking nabuong pangungusap, sa 'yo napupunta

Hindi na isusulat ang 'di maipinta

"Huwag," ang sabi ng iba

Iba ang nakikita ko sa 'yong mata

Huwag, paluluhain ka

Bakit pag-ibig ang hatid mo sa tuwina?

Minsan pa'y paikutin habang hawak ang kamay

Maglalayag sa ilalim, oh, ngiti mo ang gabay

Ituring mong panaginip, walang kontekstong kasabay

Alam ko lang sumapit ang hinihintay

Hawak-hawak mo ang balikat ko

Habang ang kamay ko'y nasa baywang mo

Sa ilalim ng mga bituin

Ay kinang ng iyong mata sa akin

Sinta

Sinta

Para bang suntok sa buwan

Kung bukas, 'kaw pa rin ay nandiyan

Pagkatapos ng gabi

Tuluyan mo nang makakalimutan

Kaya naman susulitin bago muling mapag-isa

Uulit-ulitin hanggang sa makabisa

Mga salita'y iipunin at nang mahanap ang tugma't

Hindi mo namalayang tayo ang paksa

Hawak-hawak mo ang balikat ko

Habang ang kamay ko'y nasa baywang mo

Sa ilalim ng mga bituin

Ay kinang ng iyong mata sa akin

Sinta

Sinta

Oh, kamay sa balikat ko

Haplos sa baywang mo

Atin lamang ang gabing ito

Kamay sa balikat ko

Haplos sa baywang mo

Atin lamang, atin lamang

Atin lamang, atin lamang

Hawak-hawak mo ang balikat ko (mahal, iyong damhin ang lamig)

Habang ang kamay ko'y nasa baywang mo (ng hanging 'di na magbabalik)

Sa ilalim ng mga bituin (mahal, iyong damhin ang lamig)

Ay kinang ng iyong mata sa akin (ng hanging 'di na magbabalik)

Hawak-hawak mo ang balikat ko (mahal, iyong damhin ang lamig)

Habang ang kamay ko'y nasa baywang mo (ng hanging 'di na magbabalik)

Sa ilalim ng mga bituin (mahal, iyong damhin ang lamig)

Ay kinang ng iyong mata sa akin (ng hanging 'di na magbabalik)

Sinta

Sinta

Más De Ian Quiruz

Ver todologo

Te Podría Gustar