menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

guni-guni ng isang gamu gamo

Ian Quiruzhuatong
shawna1953huatong
Letras
Grabaciones
Bakit pa kaya kailangang dumilim?

Bakit hindi na lang maging maliwanag habang-buhay?

Iyan ang paulit-ulit mong tanong sa akin

Sa gabi-gabing ubod ng panglaw at katahimikan

Malayo sa kulay at sigla na mayro'n ang araw

Malamig, maginaw

Bakit ba naman kasi kailangan pang dumilim?

Bakit kailangan pang paikutin ng sansinukob ang kalupaan

At bigyang-pagkakataong maitago sa kawalan ang mga lihim?

Ano'ng kinalaman ng oras?

Masisisi ba ang mga bituin?

At sa dami ng tanong na iwinasiwas mo sa akin

Ay siyang dami rin ng sagot na bumubuo sa isipan ko

Pero tanging "mahalaga ka" ang salitang nabitawan ko

Alam ko lang, nagpasalamat ako sa mga pagbabaka-sakali

Alam ko lang, nagpasalamat ako sa mga "paano kung"

Sa pagtatalo sa isip ko na hindi ko alam kung saan hahantong

Paano kung nagkataong sa iba?

Paano kung hindi kita nakilala?

'Wag naman sana pero gaya nga ng iniisip mo

Hindi ko nga masisisi ang mga bituin

Lalo na't ubod ng ligaya ang kinang nito sa 'yong mga mata

At 'di rin nagkasala ang oras dahil itinakda niya

Ang pinakamagandang panahon at pagkakataon para makilala kita

"Mahalaga ka", ang tanging lumabas sa aking bibig

Habang dahan-dahan kong napapansin ang unti-unti mong pag-idlip

Inilalayo ka nito sa katotohanan kaya sana makita kita sa panaginip

Nang sa gayo'y hindi pa huli ang lahat

Hindi pa huli ang lahat para masabi kong

"Hindi ba't kay sarap kung araw-araw nating

Sasalubungin ang araw na papasikat sa umaga?

Hindi ba't kay gaan sa pakiramdam ng sikat nito

Kapag tapos na tayong lamunin ng matinding kalungkutan?

Hindi ba't katahimikang gaya ng gabi naman ang nagiging dahilan

Kung bakit nawawala ang mga tampuhan at bumabangon si Haring sol sa 'ting dalawa?"

Pero gaya ng gabi, namahinga ka na

Pero 'wag kang mag-alala, hindi na ako magtatanong at mag-iisip

Ng kung sinong naiwan sa ating dalawa

Nanlalabo na rin ang mga paningin ko't nagtatakip-silim na

Hinihintay ko na lang na pumagitan si oras kung kailan ba

Hinihintay ko na lang na pumagitan si oras, makakasama na kita

Más De Ian Quiruz

Ver todologo

Te Podría Gustar