Mahal na mahal
'Yan ang damdamin na sa'yo'y nararamdaman
Kung 'di mo alam?
Puso'y 'di mapalagay 'pag 'di ka namamasdan
Oh, bakit ganyan?
At maging sa 'king pagtulog
Laging alaala ka
Nais makapiling
Nais makayakap ka sa t'wina
Nang dahil sa 'yo
Ang puso kong ito ay natutong magmahal
Sadya bang ganyan?
Sana, pag ibig na nadarama ay pakaingatan
Oh, wag paglaruan
Dahil minsan lang umibig
Ang napili ay ikaw
Huwag sanang sasaktan,
Ang puso na sa 'yo'y nagmahal
Tawag ng aking damdamin
Ay ikaw at walang iba
Ang lahat lahat sa akin
Ay ikaw lang talaga
Puso'y huwag paluluhain
Ang pagsamo ko'y dinggin
Tunay na tunay mahal ka sa akin
Nang dahil sa 'yo
Ang puso kong ito ay natutong magmahal
Sadya bang ganyan?
Sana, pag ibig na nadarama'y pakaingatan
Oh, huwag paglaruan
Dahil minsan lang umibig
Ang napili ay ikaw
Huwag sanang sasaktan,
Ang puso na sa 'yo'y nagmahal
Tawag ng aking damdamin
Ay ikaw at walang iba
Ang lahat lahat sa akin
Ay ikaw lang talaga
Puso'y huwag paluluhain
Ang pagsamo ko'y dinggin
Tunay na tunay mahal ka sa akin!
Tawag ng aking damdamin
Ay ikaw at walang iba
Ang lahat lahat sa akin
Ay ikaw lang talaga
Puso'y huwag paluluhain
Ang pagsamo ko'y dinggin
Tunay na tunay mahal ka sa akin!
Tunay na tunay mahal ka sa akin!