menu-iconlogo
logo

Buti Ka Pa Masaya Ka Na

logo
Letras
Lagi na lang nag-aabang sa iyong pagdating

Ikaw pa rin ang reyna ko at tangi kong hiling

Sa 'yo ko lang 'yon nadama, ang hirap nang gawin

Bumalik sa dating tayo at muli kong damahin

Pagmamahal mong inalay para sa 'kin

Kung inalagaan ko, siguro'y nasa akin

'Di ko sinasadya na ito pa ay sayangin

Kung tayo ay magkita, lalapit ka ba sa 'kin

Kahit na ngayon, tila ba 'di mo na ako kilala

Alaala mo sa akin ay nananatiling masaya

Sa imahinasyon na lang kita nakakasama pa

Dahil alam ko na malabo kang bumitaw sa kanya

Buti ka pa 'di mo na inaalala

Ang mga nangyari sa 'ting dalawa

Sa 'ting dalawa

Kung mayro'n mang isang hiling, 'yun ay ang makapiling ka

'Di na 'ko gumaling simula nung nawala ka

Buti ka pa, masaya ka na

Habang ako ay pinagsisisihan ka

Kitang-kita kong masaya ka sa kanya

Mukhang 'di mo na ako hinahanap-hanap pa

Oh, andito lang ako kung iwanan ka man niya

Handa pa rin naman akong ipaglaban ka

Buti ka pa ngayon nakangiti

Maligaya sa 'yong desisyong talikuran ako

Habang ako ito

Hindi mabuo sapagkat alam ko na may kulang ako

Buti ka pa, wala na sa 'yo

Buti ka pa, mayro'n nang totoo

Sa 'yo na nagmamahal

Kahit dapat talaga iyan ay ikaw lang at ako

Wasak na wasak, wasak na wasak

Ilang alak na rin 'yung naubos

Sa kada gabi kong iyak

Alam kong basag pa rin naman 'yan

Kahit tama ng alak, maubos lahat

Puno ng saya sa 'yong mga mata

Habang ang 'yong kamay ay nasa kanya na

Hindi ko makayang makita kita

Makita kitang hawak na ng iba

Papa'no kita mababawi

kung kahit pangalan ko ay nalimutan mo na

At 'di mo na rin maalala

kung pa'no kita surpresahin at mag-abala

Paano kaya ngayon? Alam ko na ito ay huli na

'Di mo na rin magawa na gawing ako ay alahanin mo pa

Sana ako na lang 'yung katabi mo ngayon

Kasabay mong matulog hanggang sa bumangon

Hindi na lang sana 'ko nagpatangay

Makipaghiwalay pa sa 'yo noon

Kaso huli na para pa pagsisihan kasi

Ngayon ay maligaya ka na

Oo, masaya, 'yun nga lang 'di sa 'kin

Kung 'di sa iba, kung 'di sa iba

Kung mayro'n pang isang hiling, 'yun ay ang makapiling ka

'Di na 'ko gumaling simula nung nawala ka

Buti ka pa, masaya ka na

Habang ako ay pinagsisisihan ka

Kitang-kita kong masaya ka sa kanya

Mukhang 'di mo na ako hinahanap-hanap pa

Oh, andito lang ako kung iwanan ka man niya

Handa pa rin naman akong ipaglaban ka

Buti Ka Pa Masaya Ka Na de Jom/Crakky/ALLMO$T - Letras y Covers