Di ko man maamin
Ikaw ay mahalaga sa akin
Di ko man maisip
Sa pagtulog ikaw ang panaginip
Malabo man ang aking pag iisip
Sana'y pakinggan mo
Ang sigaw nitong damdamin
Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana at iyong naririnig
Sa 'yong yakap ako'y nasasabik
Ayoko sa iba
Sayo ako ay hindi magsasawa
Ano man ang iyong sabihin
Umasa ka ito ay diringgin
Madalas man na
Parang aso at pusa
Giliw sa piling mo ako ay masaya
Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana at iyong naririnig
Sa 'yong yakap ako'y nasasabik
Pilit man abutin ang mga tala
Basta't sa akin wag kang mawawala...
Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sa 'yong yakap ako'y nasasabik
Pagkat ikaw lang ang nais makatabi
Malamig man o mainit ang gabi
Nais ko sana iparating
Na ikaw lamang
Ang siyang aking
Iibigin