Ayoko sa iba
Sa 'yo, ako ay hindi magsasawa
Ano man ang 'yong sabihin
Umasa ka, ito ay diringgin
Madalas man na parang aso at pusa
Giliw, sa piling mo, ako ay masaya
Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko, minsan ako'y manhid
Sana at iyong naririnig
Sa 'yong yakap, ako'y nasasabik
'Pagkat ikaw lang ang nais makatabi
Malamig man o mainit ang gabi
Nais ko sanang iparating
Na ikaw lamang ang s'yang aking...
Araw-gabi
Nasa isip ka
Napapanagip ka
Kahit san man magpunta
Araw-gabi
Nalalasing sa tuwa
Kapag kapiling ka
Araw-gabi tayong dalawa