menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Palasyo (RAP) KARAOKE

Kamandag Ng Marikinahuatong
🇵🇭☢Senjuro☢🇺🇸📶™MOLhuatong
Letras
Grabaciones
"PALASYO"

Kamandag Ng Marikina

Simula ng makilala ka ako ay laging masaya

Para bang ang buhay ko’y nagkaroon ng sigla

At dahan-dahang napapawi ang mga problema

Alam mo kapag kasama ka ngiti ko’y hanggang tenga

At ang puso ko’y tumatalon sa sobrang tuwa

Kapag kausap ka ligaya ang nadarama

Lungkot nababawasan kapag kapiling ka

Liwanag ka sa akin dalisay sa damdamin

Busilak sa katapatan kung iyong aarukin

Pagkat ikaw sa akin ay napakahalaga

Ihalintulad mo man sa iba, ika’y walang kawangis

Pag-ibig kong ito taos-puso’t labis labis

Kaya kahit na, ako ay magmukhang tanga

Ok lang yon dahil two times mahal kita

Lahat ay gagawin para ikaw ay sumaya

Alang-alang lang sayo buhay ko’y itataya

Dadalhin kita sa'king palasyo

Dadalhin hanggang langit ay manibago

Dadalhin kita sa'king palasyo

Dadalhin hanggang langit ay manibago

Nakatatak ang pangalan mo sa'king dibdib

Larawan at pag-ibig mo dito nakaukit

Saksi ko ang langit ibon ang aawit

Sa ating pagsasama na walang kasing lupit

Iyong mababatid ika’y mananaig

Sa puso kong ito maging sa aking panaginip

Upang malaman mo lang na minamahal kita

Kase mas mahalaga ka pa sa buhay ko sinta

At pipilitin kung tatawirin ang alambre

Hihiga sa lubid at sayo’y magsisilbi

At kahit na gawin mo pa akong isang alipin

Bilang tagapagsunod aking susundin

Ang mga iniutos mo aking gagawin

Kahit na ito’y mahirap kahit na ikasawi

Para lang sa'yo lahat ay magagawi

Dadalhin kita sa'king palasyo

Dadalhin hanggang langit ay manibago

Dadalhin kita sa'king palasyo

Dadalhin hanggang langit ay manibago

Para lang sa'yo ang pag-ibig kong ito

Maging ang buhay ko iaalay ko sayo

Puso at isipan ang s'yang mag-gagabay

Sa iyo kahit saan ka man maglakbay

Ako ay lagi, na nasa iyong tabi

Hindi mawawala umaga man o maging gabi

Ako ang s'yang magsisilbing saklay

Sa paglakad mo ako ang mag-aalalay

Dahil mahal kita di ka masusugatan

Sa bawat hakbang kamay mo ay hahawakan

Kahit maging tinik man ang ating lalakaran

Bubuhatin kita upang hindi ka magalusan

Di bale na ako wag mo kong intindihin

Dahil para sa'yo walang imposible para sa akin

Dadalhin kita sa'king palasyo

Dadalhin hanggang langit ay manibago

Dadalhin kita sa'king palasyo

Dadalhin hanggang langit ay manibago

Dadalhin kita sa'king palasyo

Dadalhin hanggang langit ay manibago

Dadalhin kita sa'king palasyo

Dadalhin hanggang langit ay manibago

Más De Kamandag Ng Marikina

Ver todologo

Te Podría Gustar

Palasyo (RAP) KARAOKE de Kamandag Ng Marikina - Letras y Covers