Madalas kitang makitang may kasama
Magkahawak ang mga kamay
Bumibigat ang puso ko
Laging nangangarap,
na ako'ng kapiling mo
Dapat nga kayang sa iyo ako'y humanga
Kahit na ako'y mayroon nang iba
Pigilan man ang puso ko
Tuwid man ang tingin
lumilingon ang isip ko
Ang puso ko ay nanliligaw
Ang puso ko ay naliligaw
Bakit kay tagal nang hinihintay
At ngayon ka lang nakita
At di na ako manliligaw
At di na ako maliligaw
Kung sasabihin mong ikaw at ako
ang magkapalad
Kung sakaling mang magulo itong damdamin
Naghahabol sa iyong nagdaan
Nauna nang pagsuyo niya'y
lihis sa 'yong landas
Pagkat tayo ang tadhana
Pag nilalaro mo ang aking isipan
Halik at yakap mo ang nararamdaman
Akala ko'y nabihag niya
Ang puso kong itong
sa'yo'y malayang nagpasya
Ang puso ko ay nanliligaw
Ang puso ko ay naliligaw
Bakit kay tagal nang hinihintay
At ngayon ka lang nakita
At di na ako manliligaw
At di na ako maliligaw
Kung sasabihin mong ikaw
at ako ang magkapalad
Di ko kayang masaktan ang damdamin
Siya'y nagmamahal ng tunay sa akin
Paano na ang aking pusong
(pano na...)
Ikaw lamang
(Ikaw lamang)
ang tanging buhay.
Ang puso ko
(ang puso...)
ay nanliligaw
Ang puso ko ay naliligaw
Bakit kay tagal nang hinihintay
At ngayon ka lang nakita
At di na ako manliligaw
At di na ako maliligaw
Kung sasabihin mong ikaw
at ako ang magkapalad