Wala naman akong nais banggitin 
'Di pag-uusapan lahat na nangyayari sa'tin 
Pagkatapos akong lamunin at suyuin ng panahon 
Pati sa panaginip 'di man lang huminahon 
Sadyang gusto ko lang naman tanungin 
Ang 'yong mata na madalas nagsisinungaling 
Ang galing parang kahapon lang mahal mo ako 
Hindi inaasahang ganito ka magbabago 
Pero kahit gan'to (Pero kahit gan'to) 
Naiisip mo man lang ba ako? 
Kasi kahit saan magpunta 
Hinahanap ko ang 'yong mukha 
At baka biglang magkita pa tayo 
Sa QC, sa UP, sa kalsada ng BGC 
Pagkalipas ng ilang taon 
Makikita mong walang tinapon 
'Di ko binaon bagkus tinanim 
Sa aking puso at isip 
Nung gabing iniwan mo ako 
Habang buhay na 'kong maghihintay sa'yo 
Bumalik, bumalik sa'kin 
Ang dami pa nating nais puntahan 
Mga plano natin na sumusuntok sa buwan 
Ngayon siya na ang kasama mo kung saan-saan 
Saang banda nagkamali para iyong iwanan? 
Sa t'wing ako'y masaya (T'wing ako'y masaya) 
Naiisip pa rin kita 
At kahit sa'n ako mapunta 
Hinahanap ko ang 'yong mukha 
At baka biglang magkita pa tayo 
Sa QC, sa UP, sa kalsada ng BGC 
Pagkalipas ng ilang taon 
Makikita mong walang tinapon 
'Di ko binaon bagkus tinanim 
Sa aking puso at isip 
Nung gabing iniwan mo ako 
Habang buhay na 'kong maghihintay sa'yo 
Bumalik, bumalik sa'kin 
Sa museo ng Antipolo, sa MOA o sa Maginhawa 
Nais kang makasama, saan ka?