menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Puting Bahay

meanestpsychohuatong
bigbros5huatong
Letras
Grabaciones
Pasok sa puting bahay hubarin mo ang tsinelas

Abutin ang tagay mga sungay sa kaaway ibinabagay mata ko hindi mapungay may Hinihintay

May mahihimlay babala sa baba

Iangat na yung paa sa hukay sumabay at ihanay mo ang tenga sa mga tunay na kataga

Makinig ka ng mabuti sa baliw may mapala

Ako'y Makata sa Mata

Nagusisa at nahanap ko si sisa mga rima natableta sa tula

Crispin at basilyo nilunok nasilayan sa pula

Walang naniniwala sa siga

Na nakita na nila

Doon sa islang nawala

Kaso meron siyang iniwan na kwadernong kataga

Mga ruta sa baba na malala

Mga aral doon sa bata na tanga

Napagusapan na ako babala dun sa lupa

Umangat binulatlat yung aklat

Bawat lipat ko ng pahina tiyak mabigat

Hindi lang dapat na sapat yung mata na namulat dapat pati sa balat

Alamat kong tinuring yung gabay kahit nasa hukay

Ekis sa paos mga bara ko ay salabat

Iyong inumin na gamitin mo ang labi mo sa tenga

Lasapin nang malaman mo ang tunay at sa peke kitilin

Marami rami narin yung mga katiting

Laging nangangalap kahit na tahimik sa dilim

Kumakain lang palagi to ng palihim

Mga ani ko sa lupa ang taimtim na tumitikim

Na sa dami kong kawali na inaalis

Diyaan sa tenga na may luga at mayaman na magara ang damit

Kahit na mainit laging pinipilit na malaman niya yung galit ko sa karit sumalangit

Pasok sa puting bahay hubarin mo ang tsinelas abutin ang tagay mga sungay sa Kaaway Ibinabagay mata ko hindi

Mapungay may hinihintay

May mahihimlay babala sa baba

Iangat na yung paa sa hukay sumabay at ihanay mo ang tenga sa mga tunay na kataga

Makinig ka ng mabuti sa baliw may mapala

Ako'y Makata sa Mata

Sabay sa "kumpas" para di ka maligaw

Aguhon matutuklas

Gamit ang pang sukat lahat dapat ay kakalat mararapat na lalapat mga sulat ko babanat

Nagsasabi ng maalat

Yun yung mga tao dumidila ng itlog manghikayat ng kasama

Para kamuhian Daw ako teka lang sino ba si meanestpsycho dito sa laro?

Mga solidong totoong bantog sa triangulo kung gusto mong sumapi

Dapat mapakinggan mo si dante dumetalye sa senyales ng kokote

Pinilit mong anihin yung bubot na kamote

Kaya walang napala

Siguruhin na malalim ka humukay

Talampakan na sa anim magparami sa tatlo

Magpatunay sa anyo,

Pitong selyo nasa pluma ng dugo

Lagda isasalin sa laro

Meanestpsycho at anachro, Uno Kapital

Makabago sa tunog na sasali sa bilog

Pansakal kay baal, dajjal

Pati mga animal na walang dangal

Sama mo narin yung mga kupal na magara yung damit na tungkulin limasin

Pansariling kahirapan lutasin

Kahit na nanggaling pa sa nakaw yung ari-arian

Lahat yan taka kang di mo dadalin

Pasok sa puting bahay hubarin mo ang tsinelas

Abutin ang tagay mga sungay sa kaaway ibinabagay mata ko hindi mapungay may Hinihintay

May mahihimlay babala sa baba

Iangat na yung paa sa hukay sumabay at ihanay mo ang tenga sa mga tunay na kataga

Makinig ka ng mabuti sa baliw may mapala

Ako'y Makata sa Mata

Más De meanestpsycho

Ver todologo

Te Podría Gustar

Puting Bahay de meanestpsycho - Letras y Covers