tila nagkukulong sa isang madilim na kwarto
nakapikit pero nakakakita ng litrato
mga larawan ng nakaraan
tulad ng isang anino na palagi kang sinusundan
ganun pa man sarili koy nakakapanibago
nangyari lang naman ito nung wala na tayo
at buti nalang ay meron pang pulang kabayo
at sigarilyo na kasing taba ng tabaco
noon ang taba ko kaso biglang pumayat
hindi sa walang makain inisip ko lang lahat
inisip ko paulit ulit bakit ka naging masungit
bakit kaylangan gumawa ng dahilan upang magalit
para may mapag usapan at may mapag awayan
hihingi parin ng sorry kahit di ko kasalanan
tinatanggap ko yan dahil akoy nagmamahal
handa kong ibigay lahat upang tayo ay magtagal
bakit ba kailangan pang
lumisan ka
ano ba aking nagawa
at ngayong wala na tayo paano na
paano na ang mag isa
hindi ito ang oras para tayo ay magsisihan
nangyari ng lahat ano pang dapat balikan
dimo nga tinanggap ang mga pagpapa kumbaba
kahit puro ka pangakong luluwas ka sa baba
ok lang inisip ko nalang na busy lang
kahit puro alibye nalang ang nagiging dahilan
isa nalang at magiging pangatlong beses na yan
sino ba naman ako para hindi ka pagbigyan
kabisado mo ang aking kiliti't pag uugali
at amoy sa kasingit singitan kong pag aari
wala ako sayong maitatago
wala akong hindi sinabi sa iyo na sikreto ko't baho
ikaw ang aking kakampi na pinagkakatiwalaan
kung kelan tumino dun pa ko pinag hinalaan
may babae daw kasi na katabi ko sa larawan
nagmahal ko ng sikat hindi ko na yan kasalanan
bakit ba kailangan pang
lumisan ka
ano ba aking nagawa
at ngayong wala na tayo paano na
paano na ang mag isa
di ka nagpapa ramdam sakin anu na, anu na tayo
pano pa mabubuo ang plano kung galit pa tayo
ilang tulog nalang magta tatlong taon na tayo
tapos sasabihin mo sakin ngayon wala na tayo
ang bilis mo magpasya bakit meron na bang iba
may ibang lalake na ba sa iyoy nagpasaya
mabilis kang magtiwala sa hindi mo kilala
at ilang beses mo na kong pinag mumukang tanga
inisip ko kung isip bata o ganyan ka talaga
at ang ating relasyon dimo binigyang halaga
masaya kang gumigimik na kasama mo sila
habang akoy naghihintay ng text mo kahit na isa
ngayon sino ba sa atin ang lubos na nawalan
nagseryoso nanga bakit nakuha pang saktan
parehas ang kinahiligan natin at nagustuhan
at wala kang dahilan upang di maintindihan
sana naging masaya ka nung panahon na tayo pa
dahil wala kong hinangad kundi ang lumigaya ka
hanggang dito nalang siguro at palagi kang mag ingat
isipin mo nalang na di nangyari to lahat paalam?
bakit ba kailangan pang
lumisan ka
ano ba aking nagawa
at ngayong wala na tayo paano na
paano na ang mag isa
bakit ba kailangan pang
lumisan ka
ano ba aking nagawa
at ngayong wala na tayo paano na
paano na ang mag isa